Hindi mapakali si Naddie. Now, she wanted to quit the freaking gig pero hindi naman niya magawa kasi nasabi na sa organizer. Hindi rin naman siya maka-react noong dinner kasi kahit na-broadcast na sa mga naroon ang involvement niya kay Dee ayaw niya namang magtanong o pag-usapan pa ang bagay na iyon. Hindi pa man din niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng ama niya roon. Baka kung ano pa ang mangyari kaya nanahimik na lang siya. Kinabukasan, nalaman na lang niyang final na ang schedule nila at may rehearsal na siya. Ang laki tuloy ng problema niya ngayon. She didn’t want to see Dee, not now na alam niyang magiging mas makulit lang ito …at hindi siya sigurado kung hanggang kailan niya ito matitiis. Napapikit na lang si Naddie at namasahe ang kanyang noo. Nakahrap siya ngayon sa sala