Chapter 1

1195 Words
“Will this be okay with you?”  Isang tipid na ngiti ang isinagot ni Naddie sa babae. “Yes, thank you so much.” “Okay, I’ll leave you then. Enjoy!” anito at saka umalis na rin. Kinawayan niya lang ito bago tuluyang isinara ang pinto ng kwarto. Bumuga siya ng hininga at saka napaasandal na lang sa pinto. Ibinaba niya ang kanyang Herschel sa gilid at saka inilibot ang buong tingin sa kwarto.  It’s a one bedroom apartment na matagal na niyang sinusubaybayan online kahit pa noong nasa Pilipinas pa siya. Malapit lang iyon sa Hospital at nalalakad lang. Sinadya niya talaga iyon bilang precautionary measures na rin kung sakaling may mangyari sa kanya. Mabuti na iyong nalalakad lang ang hospital. Mahirap na, mag-isa siya ngayon at kahit na wala naman siyang balak na gumawa ng bagay na ikapapahamak niya, mabuti pa rin iyong may safety measures.  Huminga siya nang malalim at saka kinuha ang kanyang bag. Nilapag niya iyon sa isang couch na nasa living room. Fully furnished ang room na nakuha niya kaya medyo pricey rin. Muntik na ngang umiyak ang card niya noong binayaran niya ito. It’s a modern style apartment na ang color scheme ay neutral. Pagkapasok mo ng pinto ay living room agad ang bubungad sa’yo. Sa harap noon ay ang kitchen counter at ang kitchen sink tapos sa likod naman ang kanyang kwarto.  May mga lutuan na rin doon at may iilang basic na gamit na rin panluto. Ang bibilhin na lang niya ay stocks at kung may gusto pa siyang bilhin. Hindi niya alam sa totoo lang kung gaano siya magtatagal dito. Everything is uncertain for her as of the moment at ayaw niya namang magsalita nang tapos kaya bahala na lang siguro kung saan siya dadalhin ng agos.  Sumalampak siya sa sofa at kinuha ang kanyang cell phone sa bag. Pagkabukas na pagkabukas niya at pagka-connect sa internet ay agad na pumasok ang napakaraming notifications at mga messages. Ipinagkuros niya ang kanyang mga hita at saka isa-isang chineck ang mga iyon.  May galing sa mga magulang niya, sa mga tito at tita niya na kasamahan ng mga magulang sa banda at kay Kier na naghatid sa kanya. Una niyang tiningnan ang kay Kier. From: Kier Fuck, Nads, tell you’re okay. I’m so guilty! Nagkakagulo na sina Tito Duke at mga magulang ko!  Call me!  Naddie!  Your meds!  Please yung check up mo!  I already contacted a doctor there.  Damn it, baka balatan na ko ni Tito Duke! Hindi mo na ako aabutan! Bahagya siyang napatawa na lang habang binabasa ang mga texts ni Kier sa kanya. Minsan talaga baliw ang kaibigan niyang iyon, e. Ang OA din kung makapag-isip. Napailing na lang siya at ni-replyan ito.  To: Kier I’m fine.  May picture pa siyang sinend dito na naka-peace sign siya at nakangiti. Ni-send niya rin ang mga picture ng kanyang tinutuluyang apartment. Ilang sandali pa ay nag-reply na ito.  From: Kier Call Tita Saia, please. I’m really guilty right now. Don’t use your cards already. Kung kulang ang pera mo, I’ll send you some.  Napanguso na lang siya habang tinitingnan ang message ng kababata. Napangiti pa siya sa sinabi nito. Noon pa man, hindi talaga siya nito pinababayaan.  To: Kier Thank you so much. I’ll call mommy.  Bumuntong-hininga siya at saka in-exit ang messenger. Saglit siyang napatanga at saka tinawagan ang kanyang mommy sa Skype. Huminga siya nang malalim at saka hinintay itong sumagot.  “Naddie,” agad na sagot nito sa kanya. Napasinghap pa ito at saka mangiyak-ngiyak na itinakip ang isang kamay sa bibig. “Oh my god, nasaan ka ba?! Naddie, ano na naman ba ito?! Papatayin mo ba ako sa nerbyos, ha?!” Kitang-kita niya ang pagtaas-baba ng dibdib ng ina.  Napayuko na lamang siya. Hindi niya ito kayang tingnan sa mata. Pakiramdam niya ay maiiyak at magiging emotional lang din siya. Kinalma niya ang sarili.  “Si Daddy po?” tanong niya pa.  “Nasa labas, kasama ang mga tito mo. Naddie, nasaan ka? Susunduin ka na na-” “Mommy, no,”putol niya rito at saka inangat ang kanyang tingin. Umiling siya. “Please, Mom. Please.” Umawang ang bibig ni Saia sa sinabi ng anak. Napabuga na lang ng hininga si Naddie. Kinagat niya ang labi at iniwas ang tingin sa ina.  “Mommy, I’m really fine. Please. Just...just give me a space muna.” Lumunok siya. Ilang segundong katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa bago siya tuluyang magpaalam. “Bye, Mom. I’ll see you soon,” sambit niya lang at hindi na hinintay na sumagot pa ang ina. Ni-end na niya ang tawag. Napabuga na lang ulit siya ng hininga at napasandal sa backrest ng sofa. Ngumuso siya at napatanga na lang sa kawalan. Kinakalma niya ang sarili para hindi siya maing emosyonal. She cannot have too much emotion...hindi kakayanin ng puso niya. It’s her first day in Seattle, and she cannot afford to be hospitalized sa first day pa lang.  Mariin siyang pumikit at saka umayos ng upo. In-open niya ang kanyang cell phone at ni-deactivate lahat ng social media accounts niya. Huminga siya nang malalim.  ‘This is it, Naddie. Time to be alone.’ Tumayo na siya pagkatapos  ay kinuha ang kanyang bag at dinala na iyon sa kanyang kwarto. Nag-ayos na muna siya ng kanyang mga gamit bago nadesisyong lumabas para maghanap ng makakainan since hindi pa naman siya nakakapamili ng kanyang mga gamit panluto.  Napapangiti na lamang siya habang tinitingnan ang mga streetlights sa buong paligid. Huminto siya at dinama ang malamig na hangin sa kanyang balat. This is what she wanted. A life of her own. Iyong nararamdaman niyang normal siya at kaya niyang gawin ang lahat ng ginagawa ng mga malulusog na mga tao. All her life she has been treated as fragile and weak. Now that she’s alone, she gets to feel strong on her own.  **** “Welcome to Seattle, brother!” Napailing na lang si Dee nang inakbayan siya ng kanyang kaibigang si Teo. “Hey Joe! Can you give my friend here your specialty, please?” sabi pa nito sa bartender. Napangisi na lang siya rito.  “Here you go, Mister!” Tinanggap niya ang shot glass na ibinigay ng bartender.  Mas lalong umingay sa buong bar. Naghiyawan at nagtalunan ang mga tao.  "Come on, Dee, my friend! Let's party! Woohhh!"  Natawa na lang din si Dee at nakisali na sa mga kumpol ng mga tao. Tinanggap niya ang shot glass mula sa bartender at saka nakihiyawan na sa mga tao. Halos hindi na niya marinig ang mga nasa paligid dahil sa sobrang lakas ng tugtog ng DJ at halos hindi na rin niya maaninag ang buong bar dahil sa nakakahilong mga neon lights. Everything was fun and hell he’s freaking enjoying the mingle with other strangers. Never niyang na-experience to sa Pilipinas kasi ang mga mata ng mga tiyahin niya nakapaligid, naghihintay lang na pumalpak siya. Coming to Seattle is a breath of fresh air. At least, bago man lang siya sumabak sa mga trabaho sa opisina at bago siya makipagsapalaran sa mala-impyernong opisina nila kapag uupo na siya at hahalili sa kanyang Papa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD