Chapter 2

2038 Words
Walking through the streets of Seattle makes Naddie feel so independent. She has never felt this free before. All her life, she felt like she was caged in her house. Ang daming bawal. Ang daming di pwedeng gawin. Ang daming rules na dapat sundin. Ang dami-daming mga paulit-ulit na paalala. Nakakasakal. Nakakainis. Huminga nang malalim si Naddie habang ikinakalat ang tingin sa bulong paligid. Hindi niya napigilan ang pagkamangha. The city lights and the buildings here are just so different in the Philippines. Hindi niya alam kung bakit pero iba ang pakiramdam niya rito. Siguro dahil dito, isa siyang nobody, tapos wala pa siyang kakilala, mas malaya siyang nakakakilos. Being the daughter of the famous Lights Out couple is so hard. They say it’s nice to be famous, but for her, it’s not really. Lahat na lang yata ng kilos niya binabantayan. At least now, hindi na siya babantayan pa. Hindi na rin siya parang bata na kailangan ipinagpapaalam ang lahat ng magiging kilos niya. Now, she’s independent and free. Isang ngiti ang kanyang pinakawalan habang nilalanghap ang hangin mula sa labas ng kanyang apartment. Hawak-hawak niya ang kanyang cup ng kape habang pinagmamasdan ang mga taong nagmamadali at ang mga sasakyang nasa kalsada. Maaga pa at hindi pa naman gaanong rush hour kaya masaya pang makapaglakad sa street ng Seattle. Maliwanag din ang sikat ng araw. Vitamins pa naman iyon kaya okay na okay lang sa kanyang maarawan. Sumipsip siya sa kanyang kape at saka huminto sa isang gilid. Kinuha niya ang kanyang cell phone at saka itinaas ang kanyang kape sa likod ng cell phone. Kinunan niya iyon ng picture tapos ay p-in-ost niya iyon sa kanyang story. May caption pa siyang ‘feels good to be free’. Sa kanyang dump account iyon naka-post, so sigurado naman siyang hindi iyon makikita ng kanyang mga magulang. Halos lima lang yata ang followers niya roon pero mas marami pa siyang post doon kaysa sa main account niya na puro brand deals ang nasa feed niya. Hindi rin naman siya nagsisisi sa mga deals na iyon dahil doon siya kumuha ng ipon niya para makapunta kung nasaan siya ngayon. Her mother and father both belong to a famous band in the Philippines. Nasubaybayan niya na ang mundo ng showbiz sa kanyang paglaki kaya exposed na rin siya. Dinadala pa siya palagi ng kanyang Tita Kiarra sa mga shoots nito kasama ang ibang brands kaya hindi na rin malabong na-offer-an siya ng mga ito. She was around 8 years old when she got her first endorsement. Nagtuloy-tuloy iyon hanggang sa naging teenager siya hanggang sa na-diagnose nga ulit siya. Ang akala niya at ng mga magulang niya ay magiging maayos na siya pagkatapos siyang ma-operahan noong bata pa siya. May sakit kasi siya sa puso at ang sabi naman ay naging maayos iyong pag-opera sa kanya noon pero nang tumuntong siya ng twenties, biglang bumalik at ito na nga, from the happy-go-lucky child, she became sickly again. Dumalang ang brand deals niya dahil madali siyang mapagod. Naging strikto rin ang mga magulang niya sa mga tinatanggap to the point na pati ang kanyang paglabas ay dapat ipinapagpaalam niya sa mga ito. That’s when everything went down. Napuno na siya. Sakitin na nga siya, mas lalo pang ipinapamukha sa kanya. Gusto niya lang naman na kahit paano ay maramdaman niya pa ring normal siya. But then her parents think differently. Kesyo mas lalala raw siya. Well, tingin niya mas lalala siya kung hindi niya mararamdamang nakakakilos pa siya nang normal. And that’s it. The rest is history. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Naddie habang nakatingin sa kalangitan. “And you’re here na, Naddie. You’re free,” sambit niya sa sarili habang humihinga nang malalim. Ikinalat niya pa ang tingin sa buong paligid habang pinagmamasdan ang buong paligid. Bumalik siya sa paglalakad nang biglang tumunog ang kanyang cell phone. Saglit na napatigil siya at agad na tiningnan ang kanyang notification. It was a message from Kier. Kier: Enjoying Seattle, e? Kami rito kulang na lang ipa-salvage na ni Tito Duke! Hindi na niya napigilan pang mapairap na lang sa sinabi ng lalaki. Ni-reply-an niya na lang ito. Nads: Ang exage mo talaga.Nakausap ko na si mommy. Kier: Imbyerna pa rin si Tito Duke! Si Tita Saia lang kinakausap! Nads: Mommy can calm him. Don’t worry about it already. Kier: Che! Nasasabi mo lang iyan kasi nandyan ka! Huminga siya nang malalim. Hindi na siya nag-reply pa kay Kier at itinago na lang ang kanyang cell phone. Napailing na lang siya at saka muling naglakad. Huminga siya nang malalim at saka bumalik na sa paglalakad. Katatapos niya lang mag-breakfast at sa totoo lang ay wala siyang plano ngayong araw kundi ang magliwaliw. She doesn’t mind getting lost in Seattle if it means she was having her freedom anyway. Halos ilang taon niya ring inasam ang maranasan ulit ang ganito. Syempre hindi na niya ito palalagpasin pa. **** “Can I have this one, please?” “One piece?” “Yup!” “Sure! For a minute.” “No problem.” Ngumiti si Naddie sa amerikanang babae. She just had lunch and now she’s trying out some dessert in this certain park. Ang daming mga batang naroon at may mga matatanda rin namang mukhang nagsto-stroll lang. “Here you go.” Ibinigay nito sa kanya ang kanyang order. Agad na ngumiti si Naddie rito. “Thanks!” Kinuha niya ang kanyang sandwich at saka umalis na rin doon. Inilibot niya ang tingin sa buong paligid. Nang makakita siya ng isang bakanteng bench ay tumungo siya roon at saka umupo. Ipinagkuros niya ang kanyang mga hita bago inilapag ang kanyang kape sa gilid. Nagsimula na siyang kumain habang nakatitig sa mga batang naglalaro. My mga naka-stroller pang mga baby na sobrang cute. Hindi niya napigilan ang matawa dahil sa ka-cute-an ng mga iyon. Ipinagkuros niya ang kanyang mga hita at saka sumandal sa likod ng bench. Prenteng kumain lang siya roon ng sandwich habang sa gilid niya naman ay ang kanyang kape. Kontentong pinagmasdan niya lang ang mga nasa kanyang paligid habang kumakain. Huminga siya nang malalim, kontento sa kanyang mga nakikita. Hanggang ngayon, surreal pa rin sa kanyang pakiramdam na nandito na siya malayo sa kanyang pamilya. Finally, she was able to separate from her family. Mahal niya naman ang mga ito, walang pagdududa iyon. Sadyang hindi niya lang maatim na lahat na lang ng galaw niya ay kontrolado. Alam niya naman ang kondisyon niya. Hindi rin naman siya magiging sobra sa mga gagawin, tama lang para at least maramdaman niya namang normal siya at magiging normal pa siya sa kabila ng kanyang kondisyon. Napayuko na lang din siya roon. Kinuha niya ang kanyang cell phone at nakitang ang daming messages ng group chat nilang magkababata. Nakagat niya ang labi, nakokonsensya dahil kahit sini-seen niya ang mga ito ay wala naman siyang nire-reply-an. Ang kaso kasi pag ni-reply-an niya ang mga ito ay hindi na siya titigilan ng mga ito sa pangungulit. Napanguso tuloy siya habang nakatitig pa rin sa kanilang group chat. Kumagat siya sa kanyang sandwich bago muling in-exit ang chat. Tinapos na lang din niya ang kanyang kinakain at ang kanyang kape tapos ay tumayo na siya at akmang aalis na roon nang pagtayo niya ay bigla na lang siyang nakaramdam ng tila pagkahingal. Napaupo siya ulit at saka kinalma ang kanyang sarili. She was beginning to panic, but she tried to calm herself down. 's**t! Hindi pwede ito!' mabilis na nilipat niya ang tingin sa paligid. Ipinagpahinga niya muna ang sarili. Saglit na gumaan naman ang kanyang pakiramdam kaya medyo nakahinga siya nang maluwag. Napapikit siya at saglit na huminga nang malalim para tumayo na. Bumuga ulit siya ng hininga tapos ay umalis na rin doon. Napunok siya at mabilis na humanap ng masasakyan niya pabalik ng kanyang apartment. Kinaya niya namang maglakad kanina pero hindi niya na isusugal iyon. "So Seattle Press, please," aniya sa taxi. Nagpa-deretso na siya sa hospital na nasa tapat ng kanyang apartment. Kailangan niyang magpa-check kahit paano. Hindi siya pwedeng maging kampante lang ngayon lalo pa at nag-iisa siya rito. Naisandal na lang niya ang ulo sa likod ng upuan. 'My gosh, Naddie. Tatagal ka ba ng ganito?' Napalunok siya at umiling na lang din. *** "Naddie ang tigas-tigas ng ulo mo! f**k!" "Kier, I am fine!" Halos masabunutan ni Naddie ang sarili habang nakatingin kay Kier na nasa screen ng phone niya. Halos hindi na mahitsura ang mukha nito dahil sa pag-aalala sa kanya. "Tita Saia will be worried! Ito na nga ba ang sinasabi ko, e! Akala ko ba nag-iingat ka?! Naddie naman! Tito Duke will surely drag you out of there!" Nanlaki ang mga mata ni Naddie sa kaibigan. "Don't you dare!" mabilis niyang sabi rito at kaagad na sinamaan ng tingin ang kanyang kababata. Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ng lalaki. "Fine…but Naddie. Nag-aalala kami. Come on…" Huminahon ang boses nito, halatang inaalo siya. Sa huli ay kinagat niya na lang ang labi at saka tumango rito. "Yes, Kier. I will, okay? Don't worry na. I'll be okay. I'll be okay here. Promise… mas mag-iingat na ako…" Kinagat niya ang labi habang nakatingin sa kanyang kababata. Ilang saglit pa silang nag-usap ni Kier hanggang sa bumalik ang doktor na nag-accommodate sa kanya. Kinausap pa nga iyon ni Kier at ang dami pa nitong tanong to the point na pati siya ay napapairap na lang. Huminga siya nang malalim at saka tiningnan ang kababata niya. "Okay na?" sabi niya pa. Nakita niyang umiling si Kier at nagkamot pa ng ulo. "Yeah. Sige na. Umuwi ka na at magpahinga, please. Ano ba naman kasing naisip mo at naglakad ka ng malayo! God, Naddie!" Umirap ulit siya rito. Huminga siya nang malalim at saka humalukipkip. "Oo na nga. In-okay na rin naman akong umuwi," sabi niya pa. Sumimangot lang si Kier sa kanya at saka umiling na naman. Tumayo na rin siya at saka tiningnan ang umasikasong doktor sa kanya. Huminga siya nang malalalim. "Thank you so much," sambit niya pa sa doktor na umasikaso sa kanya. "You're welcome!" Ngumiti ito sa kanya. Tipid na tumango lang siya rito at saka umalis na rin ng Emergency Room. Huminga ulit siya nang malalim habang dahan-dahang naglalakad palabas ng hospital. "The f**k! Get off me!" "s**t! Shut it, Jonas!" "Dee! Damn it, a little help here?!" Saglit na napahinto si Naddie nang biglang may isang grupo ng lalaking pumasok sa hospital. "Damn it! Chill out, bro!" "No! f**k! " Napakurap-kurap na si Naddie dahil sobrang nagkakagulo ang mga lalaking kapapasok lang. Sa sobrang gulo ng mga ito ay halos masakop na nila espasyo ng entrance ng hospital. Napamura siya at bahagyang napaatras. "Damn it, Jonas! Come on!" Isang lalaking nagwawala ang pinipigilan ng mg kasama nito. "Bro, stop it!" "Bro, chill!" "No! f**k it!" Mas lalong nagwala ang lalaki dahilan para mas lalong magkagulo. Tumawag na ng guard ang mga nurse na naroon. Nanlaki ang mga mata ni Naddie nang biglang matumba sa direksyon niay ang isang lalaking kasama ng nagwawala. Napasinghap siya at saka napaatras. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang tutumba ang lalaki sa kanya. Napapikit na lang siya, hinihintay ang pagbagsak nito. Buti na lang ay hindi naman talaga ito tuluyang natumba sa kanya, muntik lang. "s**t, sorry, Miss!" mabilis na sambit nito na siyang nagpamulat sa kanya. Bumungad sa kanya ang napakalapit na mukha ng lalaki. As in, sobrang lapit ng mukha nito to the point na isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha nila. Sa sobrang gulat niya at naitulak niya ang lalaki dahilan para matumba rin ito sa sahig. Tila nag-halt ang buong paligid at napunta sa kanila ang atensyon ng lahat. "Bastos!" nanggagalaiting sambit niya rito, hinihingal na. "What?" Nalaglag ang panga ng lalaki. Naikuyom niya na lang ang kanyang mga kamay. Sinamaan niya ng tingin ang lalaki bago mabilis na tumalikod at umalis doon. "The hell?!" Narinig niyang sigaw ng lalaking tinulak niya. Napapikit na lang si Naddie habang nagma-martsa paalis doon. Huminga siya nang malalim at saka kinagat ang kanyang labi. 'Oh gosh. What a day to start my vacation here in Seattle. Damn it! Ano ba naman ito, Naddie!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD