“Naddie!” Natatawang yumakap si Naddie kay Meera. “Grabe naman, Meer, parang isang taon tayong di nagkita,” sabi pa niya rito. Tumawa lang si Meera sa kanya at hinila na siya papunta sa backdoor kung saan sila papasok. Nagsisimula na ang party at nakita na nila kanina ang iba’t ibang mga businessman. Ang iba ay kilala nila pero ang iba ay hindi nila alam kung sino. Sari-saring mga tao ang mga nakita nila kanina pero wala namang pakialam si Naddie doon. Ang iniisip niya ngayon ay ang performance nila mamaya. Nakagat niya ang labi at saka napahinga nang malalim. Habang papasok sila sa kanilang dressing room ay ramdam na ramdam niya ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. Ang tagal na rin simula noong huli siyang makapag-perform kaya hindi niya alam kung paano na ulit ang mag-perform