Kagat ni Naddie ang kanyang labi habang pinagmamasdan ang kanyang ama at si Kent na nag-uusap sa sala. Nasa may hagdan siya at nagtatago. Ipinagpapaalam kasi siya ng kanyang kaibigan tungkol sa gig nila. Alam niyang malakas ang mga kababata niya sa daddy niya pero alam niyang pag galit ang daddy niya ay wala ring nakapagbabago ng isip nito kaya medyo hesitant siyang maniwalang kayang paamuhin ni Kent ang ama. She was actually hesitant with the gig itself. Hindi niya marinig ang usapan ng dalawa pero kita niya ang ekspresyon ng daddy niya. Mukhang hindi naman ito galit pero hindi rin nga lang nagsasalita. Her dad’s was poker faced the whole time at hindi niya alam kung dapat siyang mabahalang ganoon ang mukha nito or good news iyon para sa kanila. Hindi alam ni Naddie kung gaano na siya k