Chapter forty four LOU Hindi pa kumakain si Terrence, siguro hindi pa niya makalimutan yung kinain ko kanina na mga laman loob ng manok, ang sarap nga eh pero siya ayaw tumingin sa akin habang kumakain ako. “ Ayaw mong subukan?” “ Hindi ko talaga kaya.” “ Masarap naman kase.” “ Ano bang kinakain ko dito tuwing mamamasyal tayo sa lugar na ito?” “ Umm, maghanap na lang tayo banda doon.” Maraming mga makakainan dito, sinamahan ko siya para maghanap ng kakainin niya, alam kong gutom na siya dahil naririnig ko na ang kaniyang tiyan na tumutunog. Yung mga madadaanan namin mga babae hindi maiwasang mapatingin sa amin ni Terrence, hindi ko alam kung si Terrence ba ang tinitignan o ako dahil pababa at pataas ang tingin nila sa amin. Siguro kinukutya nila ako sa isipan nila, yung itsura ko