Chapter forty three LOU Ayaw niyang umalis sa ibabaw ko kahit nakabrief lang siya. Paunti unting nawala yung pagkailang ko sa kaniya, umiba ang pakiramdam ko, para akong napapaso sa bawat dampi ng balat niya sa akin. Yung katawan ko na mismo ang nagkukusa, para bang gusto kong huwag siyang umalis sa pwesto niya, sakto naman na tatayo at aalis na sana siya pero hinila ko siya pabalik sa akin, nagtaka siya kung bakit ko ginawa yun sa kaniya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan siya sa kaniyang labi. Halatang nabigla siya sa ginawa ko, gusto ko kaseng maramdaman muli yung naramdaman ko noon, ayokong umalis siya sa tabi ko. Hindi naman siya tumanggi sa gusto ko, halata naman na gusto rin niya, mainit ng kaunti ang hininga niya pero wala akong pakealam. Mas mainit ang k