Chapter twenty LOU Walang umiimik sa amin dito. Kumakain kami ng almusal ngayon. Kahit sabihin kong mayaman si Terrence at maiaahon niya kami sa kahirapan ay iba ang kutob ni mama sa mga nangyayari. Ayaw ko na lang siya kontrahin dahil baka may malaman siyang iba. “ Inihahanda niyo na ba ang kasal niyo?’ biglang tanong ni papa sa amin. “ Opo.” Sagot naman ni Terrence. “ Marami pa po kaming kailangan ayusin, ngayon po ay pupunta kami sa reception.” “ Sino ba ang mga dadalo sayo hijo?” tanong ulit ni papa, hindi nakaimik si Terrence dahil wala naman siyang kamag anak dito. “ Ma, pa mamaya po aalis na din kami.” Iniba ko na lang ang usapan dahil halatang nalungkot itong katabi ko. “ Oh siya sige at maglalako na kami.” Ititinda nila yung mga nahuli naming isda kagabi, sinalba ko lang s