Chapter nineteen LOU Nandito ngayon si Maribel at inutusan siya ng mga magulang ko na sabihing umuwi muna ako sa bahay, syempre hindi ko naman pwedeng iwan si Terrence. Hapon na ng sabihin iyon ni Maribel sa akin, hindi kami natuloy kanina ni Terrence sa pupuntahan namin dahil umulan. Doon kami matutulog ngayon, kasabay namin si Maribel sa byahe, nasa dulong upuan si Terrence at kami ni Maribel ang magkatabi. “ Kamusta ka naman ba?” bulong niya. “ Heto pwede na mapunta sa impyerno dahil ang dami ko ng kasalanan.” “ Naniniwala parin ba siya sayo?” “ Oo naman, wala siyang ibang pinaniniwalaan kundi ako lang, malamang ako ang nobya niya.” “ Ayiee, kilig ka naman diyan, ang gwapo kaya ng nobyo mo, usap usapan siya sa lugar natin lalo noong unam o siyang dinala doon, kaso nga lang pati