Chapter one hundred seventy six LOU Nahiya ako ng makarating kami ni Terrence galing sa ospital, paano naman kase nandito pa yung mga magulang ni Eloisa tapos iniwan niya para sa akin. Narinig pa ng lahat yung sinabi niya kay kuya Cedrick niya kanina, bigla akong nakaramdam ng hiya kaya pagpasok ko ng bahay deretso agad ako sa kwarto pero hindi ko gaanong sinara yung pinto. Nakakakaba noong dumaan ako lahat sila nakatitig sa akin, hinihintay kong may magsalita pero wala naman. Si Terrence na ngayon ang kausap nila, naririnig ko ang pangalan ko na pinag uusapan nila dahil bukas ng kaunti yung pinto ng kwarto ko. Malamang magtatanong sila tungkol sa akin, magulang sila ng babaeng pakakasalan ni Terrence tapos iba yung nakikita nilang ginagawa ng lalaking pakakasalan ng anak nila, naiint

