Chapter one hundred seventy seven LOU Hindi ako makatulog ngayon kakaisip sa sinabi ng mama ni Terrence, biglaan naman kase niya akong papaalisin. Wala pa sa usapan namin ni Terrence ang umalis ako kaso napapayag na ako ng mama niya at siya parin naman ang may karapatan dito sa bahay na ito. Saan naman ako pupunta kung sakaling suwayin ko siya, baka madamay pa si Terrence kaya mas mabuting hindi ko na lang sabihin ito sa kaniya. Pero sobrang bigat sa pakiramdam ko itong gagawin ko, iiwanan ko siya ng walang pasabi. Iniisip ko nga noon pa na ipapaalam ko lang kay Terrence ang tungkol sa anak namin at hihingi ng tulong pangpinansyal at uuwi na ulit sa Palawan, kaso natagalan ako, ilang buwan na ang lumipas nandito parin ako sa Maynila, sinusunod ko lang si Terrence dahil siya naman ang

