Umuwi rin ako pagkatapos tawagin ni Tatay Arnold si Rhoda, okay naman na ako. Kalmado na. Pero sa utak ko, iyong diary talaga ang gusto kong harapin pagdating sa bahay. Kaso no'ng dumating ako, pagbaba ko pa lang ay nakita ko na ang sasakyan ni governor. Tapos inabutan ko ito at si Dad Anthony sa harap ng malaking pinto, seryosong nag-uusap. "Narito na pala si Luci." Nakangiting ani nito. Nang lumingon si Alejandro ay bahagya ko lang itong nginitian. "Dad, bakit gising ka pa? 2 am na, oh!" ipinakita ko pa ang relo ko rito. "Hindi ako makatulog. Saka dumating itong si governor ng 11 pm kaya naman hinarap ko. Hinihintay ka rin namin, bakit ngayon ka lang? Are you okay?" tanong nito sa akin. Bahagya lang akong tumango. Pero sinipat pa rin nito ang mukha ko. "You're not!" "Ako n