Alam kong nakilala n'ya ako. Sa una pa lang na pagtama nang tingin nito sa akin. Nakilala ako ng aking ama. Ayaw pa nga nitong bitiwan ang aking palad ngunit tumikhim na ako. Wala pa rin sana s'yang balak, ngunit niyaya na ito ni Uncle Jericho para puntahan ang kanilang ina. "Iyon iyong uncle ko na mas maraming time mambabae, kaysa umuwi rito sa Sindang. Ngayon na nga lang ata ang matagal n'yang stay rito." Komento ni Coleen. Naiwan ulit kaming tatlo. "Babaero?" "Yes, pero wala pang naipakilala. Kahit iyong babaeng minsan n'yang sinama rito noong bata ako ay hindi ko na ma-remember." Muli kaming iniwan ni Coleen. Ramdam kong sa akin nakatitig ang asawa nito. "Are you okay?" "No, I'm not okay." Amin ko rito. "Gusto mo bang umalis tayo?" tanong nito sa akin. "No. Ako na lan