"Saan galing iyan?" sita ko sa kasambahay. May bitbit itong mahigit limang bote ng alak na wala ng laman. "Galing po sa kwarto ni Sir Jericho, Miss Coleen." "What? Sa kalagayan n'yang iyon ay nag-inom pa s'ya?" iretableng tanong ko rito. "Opo. Kagabi po ipinatawag n'yo iyong isang kasambahay at nagpadala ng inumin sa kwarto. Ngayon po ay may lima pang bote sa silid n'ya. Sinisimulan n'ya pong ubusin." Sa narinig ay kusang napahakbang na ako para tunguhin ang silid ng aking ama. Imbes na magtino si Daddy lalo na sa sitwasyon ni Mommy, ito pa ang ginagawa n'ya. Abogado lang ang umaasikaso sa aking ina na nasa kulungan sa Metro. Imbes na tulungan ako ng aking ama sa ginawa rin n'yang malaking problema, nakuha pa n'yang mag-inom. Nang makarating sa tapat ng silid nito ay hindi agad ako