Panay lang ang abot ko ng tissue kay Coleen habang umaatungal s'ya nang iyak. Narito s'ya sa bahay. Habang si Alejandro naman ay nasa capitol. Busy sa trabaho nito. Kanina pa ito umaatungal dahil sa dami raw ng problema nito. Wala naman talaga itong kasalanan sa akin, nadamay lang. Kaya hanggat kaya ko, kukumbinsihin ko pa rin s'yang umalis sa poder ng mga Soloren. Mas mabuting piliin nito ang sarili nito at kung ano ang tunay na magpapasaya rito, dahil ang mga kapamilya nito, hindi na sila magbabago. Wala na akong nakikitang second chance na magbago ang mga ito. "Hirap na hirap na ako, Luci. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong klase ng problema. Noon naman, kung magkaproblema man kami sa negosyo ay never naman akong na bother dahil kayang-kaya iyong i-handle ng family ko. Ngayon, ip