"Umalis na s'ya?" bulong ni Jolo sa akin na pasilip-silip sa pinto. "Umuwi ka na rin." Udyok ko rito. Tumayo ito nang tuwid. Saka tinignan ako. "Huwag kang mag-alala, tanggap kita. Hindi naman ako malupit na kapatid. Kailangan mo nga lang saluhin ang paghuhugas sa bahay." Seryoso ito. Kaya napantastikahan ako sa sinabi n'ya. "Jolo, humabol ka na sa Tatay mo. Baka masapak lang kita." "Ito naman, kambal tayo, kailangan hindi mo ako ipagtabuyan." "Be serious, Jolo. Hindi ka dapat tumatakas, palagi mo dapat samahan si Mama. Huwag mo s'yang bigyan ng dahilan para ma-stress. Alagaan mo s'ya." "Para ka namang nagpapaalam. Ngayon pa nga lang na reveal ang tungkol sa existence ko sa buhay mo tapos para kang mamamatay na. Sana man lang maipaayos mo muna ang last will mo, ipamana mo sa akin a