"Ahhhh!" sigaw ni Coleen. Akma sana nitong iwawasiwas ang hawak nito sa ere, nabahala rin naman ako na baka masaktan nito ang sarili ngunit mas mabilis na kumilos si Alejandro. Inagapan nito ang kamay ni Coleen. Ang isang kamay ay mahigpit nitong hawak, at ang isa ay mahigpit na ipinulupot sa kanyang bewang. "Hindi basta mawawala ang sakit sa dibdib ko, Coleen. Trauma ang ibinigay ng pamilya ninyo sa akin." "Ang sama mo, Lucille! Sana namatay ka na nga lang talaga. Sana hindi ka na lang bumalik. Sinira mo ang magandang buhay ko, nang pamilya natin!" hiyaw nito. "Masama? Pero bakit hindi mo makita iyong kasamaan ng pamilya mo? Si Lola Hilda, si Lolo Eulo, tapos iyong mga uncle ko, iyong daddy mo? Bakit? Pinagsamantalahan pa nila ang mam ko! Bakit kailangan nilang gawin iyon?" hiyaw ko