Chapter 5

1396 Words

BUKOD sa tatay niyang nagbigay sa kanya ng pangalang Chrysanthemum ay may isa pang tao ang nawiwili sa pagtawag sa kanya sa pangalan na iyon—at walang iba kundi ang lalaking limang taon na niyang hindi nakikita. Sa narinig na pagtawag ng misteryosong lalaki sa pangalan niya ay kumalat ang halu-halong emosyon sa dibdib ni Chrysantha. Nag-uunahan ang mga tanong na sumusulpot sa utak niya at sa bawat segundong lumilipas ay lalong dumarami ang mga katanungang iyon. Sino ang lalaking ito? Bakit siya nito tinawag sa pangalang tanging ang mga magulang at isang lalaki lang ang nakaka-alam? Napaatras siya nang magsimula itong maglakad palapit sa kanya. “S-sino ka?” nanghihilakbot na tanong niya. “B-bakit kilala mo ako?” Hindi sumagot ang lalaki, ibinaba nito ang baril at nagpatuloy sa paglapit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD