Honey's POV "f**k!" Mabilis akong nakabig ni Geoff at nagpagulong-gulong kami sa sahig habang patuloy siya sa pagbaril sa isang lalaking bigla na lamang lumabas mula sa isang pader ng mansion. Kaagad din naman itong bumagsak sa sahig. Ngunit isang lalaki pa ang naaninag ko sa paanang bahagi namin ang bigla na lamang ding lumabas mula sa kusina. Mabilis ko siyang pinaputukan nang maaninag ko ang pagtutok niya sa amin ng baril. Nakabibinging mga putukan ang pumailanlang sa buong paligid. Bumulagta sa paanan namin ang lalaki. "Nice, hon," ani Geoff kasunod ang mabilis niyang pagsiil ng halik sa mga labi ko. He also immediately picked me up and hid me in a nearby wall. Ngunit hindi pa kami gaanong nakaka-recover nang may muling nagpaputok sa amin at nadaplisan ng bala ang gilid ng pad