Honey's POV "What the hell happened here? Luray-luray na ito, ah. Talagang wala ng plano pang buhayin ang isang ito," ani Aegia habang sinisipa ang bangkay ni Eliot na nakataob sa lupa. "That should be up to him," sagot naman ni Geoff na hanggang ngayon ay bakas pa rin ang matinding galit sa tinig. Inalalayan na niya akong makatayo mula sa pagkakahiga ko sa bermuda grass. Napahinga na lang ako ng malalim habang nakatitig sa bangkay ni Eliot na naliligo na sa dugo dahil sa dami niyang tama ng bala sa iba't ibang parte ng katawan. I suddenly remembered Elise. How would she feel when she found out her older brother was gone? Kahit na may pagka-sira-ulo ang kuya niya at palagi sila noong mga aso't pusa kung magtalo ay magkapatid pa rin sila. Bukod doon, may kinalaman din siya at sa amin