Thirty-Seven Nasa kama na ako ng magising. I'm just glad na wala pang morning sickness na nararamdaman. Pakiramdam ko nga ay magaan na magaan ang katawan ko. Nasa kama na ako. Marahil inilipat ako rito ni Shade. Napansin kong nagriring ang phone ko kaya naman dali-daling dinampot ko iyon. "Ma'am!" It's Meritel. Shaun's nurse. Parang nahihiya pa nga itong makipag-usap sa akin. "Yes Meritel?" takang tanong ko rito. "Ah, pwede po ba kayong pumunta rito? Hinahanap po kasi kayo ni Sir Shaun!" sabi nito na waring nahihiya pa talaga. Sinabihan ko naman ito noong bago ako umalis na tawagan ako in case na may kailangan ito o kaya si Shaun. "Ganoon ba? Okay sige, pakisabi sa kanya pupunta ako! May gusto ba kayong ipabili para makabili ako mamaya!" sabi ko rito. "Wala naman po!" sabi nito

