Thirty-Eight Naging madalas ang pagbisita ko kay Shaun. Araw-araw nga eh, nalilibang kasi akong kausap ito, nakikita ko rin na mahal na mahal n'ya ang tigapag-alaga n'ya dahil madalas ito ang topic naming dalawa. Isang linggong ganoon. At sa buong lingo na 'yon wala kaming communication ni Shade. Busy ito sa office. Kung hindi ako ang late na nakakauwi ito naman ang late. Tulog na ako o kaya s'ya kapag nakakauwi ang isa. Hindi rin nakakatulong kapag nagigising ako na mag-isa at parang hinahalukay ang sikmura. Ilang araw ng ganoon. Hindi ko pa nasabi sa asawa ko ang kalagayan ko. Pakiramdam ko mas lalong lumalabo ang mayroon kami ni Shade. Lalo pa't walang maayos na communication. Honestly, na-realize ko na mas better talaga na pag-usapan ang problema. Pero sa estado namin ni Shade, paano

