Chapter 4

1384 Words
“MABUTI naman at hindi kana tinangkang takasan,” tukoy ng kaibigang si Hilary kay Terron. Tumawa si Leigh at tinignan ang binata na may kausap din sa cellphone. Iyon nga lang, salubong na salubong ang mga kilay nito at hindi niya alam kung bakit. “Subukan niya at babarilin ko siya,” natatawa niyang sagot nang mapatingin sa kanya ang binata. Hmm? Narinig ba nito na babarilin niya? “Makukulong ka nyan Leigh.” “Edi makulong,” pagbibiro niya. Tumawa ang kaibigan. “Syanga pala, ano itsura? gwapo ba? hot? masarap?” Napangisi si Leigh at naalala ang gwapong mukha ng binata. Ilang beses na niya itong nalapitan ng sobra. Nakagat niya ang ibabang labi ng maalala rin ang matipuno nitong katawan na nakita niya kahapon. “Yummy.” Panay ang mura ni Hilary sa kabilang linya pagkatapos habang si Leigh ay tawang tawa. Hindi kasi ito tumitili kagaya ng ibang babae. Lesbian ito kaya malabo at bukod dun may girlfriend ang kaibigan. “Mukhang naka-jackpot ka naman pala pero seryoso Leigh papakasalan mo talaga?” Leigh sighed at muling sumulyap sa binata na pumasok ng kwarto. “Syempre gusto kita makitang mag-gown kaya papakasalan ko,” pagbibiro niya at kagaya ng inasahan, pinagmumura siya ni Hilary. Isang bagay na nagustuhan niya dito dahil parehas sila ng ugali 'yun nga lang lesbian si Hilary at madalas ay napagkakamalan din siya dahil sa pagiging sigang kumilos at sa kanyang napiling propesyon. “Asa ka! Nakabarong ako sa kasal mo!” “Gaga, walang bridesmaid na nakabarong,” sabi niya pagkuway nagseryoso. “I'll marry him whatever happens and you know my reasons Hilary.” “Well good luck friend, umuwi kana rin dito hinahanap ka ni Chief.” Pinatay na ni Leigh ang tawag nang mapansin niya si Terron. Bihis na bihis itong lumabas ng kwarto bitbit ang isang itim na bag. Agad siyang tumayo at lumapit. Aalis ba 'to? Tatakasan na naman siya? “Saan ka pupunta runaway groom?” Hinarang niya ang lalaki. Pinagmasdan siya ni Terron animo'y nabasa ang iniisip ng niya. “Pack you're things now. We need to go back to Manila dahil may mga investors akong kailangan kausapin.” “Okay, akala ko tatakas kana eh!” wika niya. He tsked. “Kumilos kana.” Nginitian niya ang binata at pumasok ng kwarto para kunin ang mga gamit niya. Akala pa naman niya ay ilang araw pa silang mananatili dito nageenjoy pa naman siya sa klima ng lugar. Tiyak na pagdating ng Maynila ay maliligo na naman siya sa sariling pawis dahil sa init. Nagpagdesisyunan ni Leigh na maligo muna bago tapusin ang pag-iimpake, naihanay na niya kasi ang mga damit sa closet. Malay ba niyang aalis na sila ngayon? SAMANTALANG naiinip na naghihintay si Terron sa salas ng rest house. Magkakalhating oras na ang babae sa loob panay ang tingin niya sa relo dahil mahabahabang biyahe pa ang mangyayare at kailangan na nilang makaalis. Hindi na siya nakatiis at tumayo. Walang atubili siyang pumasok ng kwarto bumungad sa kanya ang maleta nitong nakapatong sa kama at mga damit saka siya napalingon sa banyo ng marinig niya doon ang paglagaslas ng tubig. Bakit nga ba hindi niya nalang iwan ito? Napangisi siya sariling naisip. Hindi naman porke totoong may nangyare sa kanila ay papakasalan na niya ang dalaga. Hinding-hindi. For pete sake marriage is not a joke! Hindi ito pagkain na basta-basta mo nalang bibilhin at paghindi nagustuhan ay itatapon. Kaya kalokohan para sa kanya ang pinagsasabi nito na ikasal sila. Hindi nila kilala ang isa't-isa. Malay ba niya kung sino ito? At malay din nito kung sino siya. Terron don't know her alam niya lang ay ang pangalan nito ang pagkamaingay, pagiging bossy at pagiging palamura sa kanya. At wala sa plano niya ang mag-asawa ng kung sino. Okay, Terron get her point na kaya ganito ito dahil may nangyare sa kanila pero hindi kasi biro ang gusto ng babae. He was about to step back nang mahagip ng mata niya ang isang bagay na nakasuksok sa loob ng isang black leather jacket ng babae. Lumapit siya dito. F*ck! Para siyang ipinako sa kanyang tayo, damang damang ni Terron ang panlalamig na dumaloy sa buong katawan niya habang nalulunok. F*cking GUN! May baril ang babae! Oh! God anong klaseng tao ba pinapasok niya? Naalala niya tuloy ang first encounter sa babae. 'Papatayin kita' para muling bumulong sa tenga niya ang sinabi nito noon. Sa hindi malamang rason ay nawala ng parang bula sa isip niya ang balak na pagtakas ulit dito. Nagmamadali siyang lumabas nang kwarto ng marinig ang pagtigil ng paglagaslas ng tubig. Panay ang pispis niya sa braso dahil sa nagtataasang mga balahibo! f*****g s**t! Hindi niya maikakaila ang matinding pangingilabot! *** PANAY ang sulyap ni Leigh kay Terron habang nagba-byahe sila papuntang Maynila. “Ayos ka lang?” tanong niya dito kanina pa niya napapansin na parang wala ito sa wisyo at balisa. “I’m fine,” sagot Terron na hindi manlang siya tinitignan. Napairap siya at mas binilisan ang pagmamaneho. Kaya ba tahimik ito dahil iniwan nila ang sasakyan nito at kanya ang ginamit? Tch! Naging sigurista lang naman siya na hindi matakasan ng binata. “Syanga pala sa bahay muna ko mag-iistay.” “What?!” gulat na sabi ni Terron at doon lang siya tinignan. “Narinig mo naman diba?” Pag-susungit niya. “No, hindi pwede!” Bigla siyang napapreno at matalim na tinignan ito! “Hindi ko gustong pakasalan ka.” Hindi niya alam pero parang may konting kirot siyang naramdaman sa sinabi nito. “Wala akong pakialam,” seryosong sagot niya. Hindi na nagsalita ang lalaki at ganon din siya. Alam na alam naman niyang hindi ganon kadali ang gusto niya pero kailangan niyang maikasal dito. _ “Woah! Woah! Kelan ang kasal dude?!” Nang-aasar na bungad ni Bright ng pumasok ng kanyang opisina. “Anong ginagawa mo dito Jimenez?” Baridong tanong ni Terron habang pumipirma ng mga papeles. Tumawa si Bright at naupo sa visitor chair. “Pinapatanong ng barkada kung kelan ang kasal mo?” Masamang tinignan niya ang kaibigan. “Asshole! Walang kasal!” sagot niya. “Lumayas ka nga dito Jimenez dun ka kay Sion manggulo!” Humalakhak ito at tumayo na. “Sige aalis nako! Balitaan mo na lang kami kung anung motif,” nakangising hirit ng kaibigan at lumabas na pero pagkuwa'y bumukas ulit ang pintuan at sumilip si Bright. “Painum ka dude kapag may date na ng kasal.” “Ul*l! layas!” sabay bato niya dito ng ballpeng hawak pero hindi ito tinamaan. Tawang tawa itong sinara ang pinto. Napasandal siya sa swivel chair. Pakiramdam niya ay biglang sumakit ang ulo niya ng maalala ang kasal. Pumikit si Terron ng kumatok ang kanyang sekretarya. “Sir Terron, may bisita po kayo.” Napamulat siya at umayos ng upo. Hindi pa siya na kakasagot ng muling bumukas ang pintuan at niluwa nito si Leigh. “Good afternoon Mr. Cornett,” nakangiting bati nito at lumapit sa kanya. Nanatili siyang gulat matapos halikan ni Leigh sa pisngi. “Nagdala ako ng lunch mo, for sure hindi ka pa kumakain,” sabay lapag ni Leigh ang paper bag sa harap. Kumurap-kurap si Terron ng muli siyang nginitian ng dalaga. “Uhm, mamaya sa bahay muna ako didiretso ng uwi,” mahinahong sabi nito. Tumikhim siya at naalalang mula ng umuwi sila ng Sagada ay hindi naman ito nag-stay sa bahay niya. Ilang-araw na ang nakalipas at ngayon lang ulit nagpakita sa kanya ang babae. “Ito kumain kana.” Nilabas nito ang mga dala mula sa paper bag. Pakiramdam niya ay nagutom siya ng malanghap ang niluto nitong Adobo. “Nagsearch pa ako kung paano magluto nyan and I'm hoping na magustuhan mo.” Pero hindi pa rin siya nagrereact dahil naguguluhan siya sa inaasta nito. “Don't worry, walang lason 'yan.” “Wala akong iniisip na ganon,” agad na sabi ni Terron dahil hindi naman 'yon ang iniisip niya. “And thank you, nag-abala ka pa,” dugtong niya. Ngumiti lang si Leigh at tinalikudan siya papunta sa mini salas na nasa right side ng opisina. Nahiga ito sa mahabang sofa at pumikit. “Bilsan mo na pagkain, aalis din ako,” sambit nito habang nakapikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD