HALOS mapanganga si Terron ng lumabas si Leigh mula sa banyo. Nakatapis lang ito ng tuwalya sa kanyang harapan. Parang wala itong kasamang lalaki sa inaasta, kung hindi pa nga yata siya tumikhim ay hindi siya mapapansin ng dalaga.
“Bakit?” inosenteng tanong nito. Nangunot ang noo niya. Hindi ba siya nakakaramdam?!
“Pwede bang magbihis ka?” Terron said. Naiilang siya sa presence nito ngayon.
“Magbibihis nga ako? Kukuha lang ako ng damit?” sabi pa ng dalaga at lumapit sa tabi ng couch kung saan doon nakalagay ang maleta.
Yumuko ito sa harap niya. Terron was stunned hindi niya napigilan ang mapalunok habang nakatingin sa magandang hubog ng dalaga.
Idagdag mo pa ang umaalingasaw na mabangong amoy nito.
Panay ang mura ni Terron sa isipan. Wait? anong nangyayare?
“Anong ginagawa mo!” biglang napatayo si Terron sa pwesto niya.
“Magbibihis,” baliwalang sagot ng dalaga at akmang aalsin muli ang tuwalyang nakatapis lang dito nang agad lumapit si Terron para pigilan.
“Are you f*king out of your mind?!” galit niyang sabi.
“What? Magbibihis lang ako?”
“Pero bakit kailangan sa harap ko pa?!”
Sumilay ang ngisi sa mukha ni Leigh habang titig na titig sa kanya. “So?”
Kumunot lalo ang noo ni Terron sa naging sagot nito.
“Bakit pa ako mahihiya ibalandra katawan ko sayo? Nakapagsex na nga tayo mahihiya pa ba ako?”
Just wow! Habol tingin ni Terron ang dalaga na pumasok ng kwarto niya. Hindi niyang alam kung matatawa ba o maiinis sa sobrang pagka-staight to the point nito. Pinapanindigan pa din nito na maynangyare sa kanila at hanggang ngayon ay hindi niya alam kung totoo ba o hindi. Naalala niya tuloy na i-checheck nga pala ni Raven ang CCTV ng araw na 'yon. He decided to contact Raven dahil for sure na-i-check na 'yun ng kaibigan.
“How's the CCTV footage?” bungad niya dito.
“Man. . .” nakaramdam siya ng kaba ng marinig ang boses ni Raven dahil sa tono pa lang nito parang alam na niya ang resulta pero pilit na sinisigaw ng utak niya na huwag naman sana.
“Congrats! confirmed you're getting married my man.” Raven continued kasunod ng malakas na pagtawa.
“No way, check it again!” sagot niya habang nakatingin sa pinto ng kwarto niya kung saan nanduon si Leigh.
“Man, I'll check it a lot of times pero malinaw pa sa HD na mukha mo ang nasa video.”
“I'll send it to you para maniwala ka,” dagdag pa ng kaibigan at pinatay na ang tawag. Ilang minuto ang lumipas natanggap na rin niya ang video.
Marahas siyang napabuga ng hangin at tinago ang cellphone sa bulsa ng panjama. Kumatok siya pintuan ng kwarto niya pero natigil siya ng maisip na bahay naman niya ito para magkakatok dahil pwede niya itong buksan anytime and that girl bakit nga ba nasa kwarto niya ito?
He opened the door and he saw the girl named Leigh Pascual laying on his bed. Tulog na tulog ang dalaga kagaya ng pagtulog nito sa kwarto niya noong una.
Now! Saan siya ngayon tutulog? Masyadong malamig ang baba para doon siya humiga! At hindi siya nababaliw para gawin 'yon pero ang matulog naman sa tabi ng Leigh na ito ay mas nakakabaliw.
Nagulo niya ang buhok sa sobrang pagkaasar at hinila ang unan niya dito.
Lumabas siya ng kwarto at napilitang humiga sa upuang gawa sa pine tree. Mabuti nalang ay may foam dahil tiyak mananakit ang likod niya kung wala.
NAGISING si Terron sa boses ng isang babaeng nagbibilang. Nagmulat siya at nakita ang dalagang nagsisit-ups sa harap niya.
Nakapikit ito habang patuloy sa pagbibilang. Malamig ang klima sa Sagada pero ang babaeng ito?
Why she's so hot in my eyes right now!?
Napatinging maigi dito si Terron na tagaktak na ang pawis. Nakabun ang buhok ng dalaga at medyo magulo pero ang mas pumukaw talaga ng atensyon niya ay ang abs ng babae. Naka-sports bra lang ito at leggings kaya bakat na bakat ang magandang figure ng katawan nito.
Pakiramdam ni Terron ay nanuyo ang lalamunan niya. Bukod duon ay naramdaman niya ang unti-unting pagsikip ng bagay na nasa gitna ng kanyang hita dahilan para mapamura siya ng tuluyan!
“Holy s**t!” Naitakip niya ang unan dito ng magmulat ang dalaga.
“Gising ka na pala.”
“Yeah..” sagot lang niya habang iniiwas tingin.
“Pinagluto kita ng breakfast, kumain kana.”
Nagulat siya. Wow? Is she acting wife now? Bakit parang biglang nagtransform ang babaeng ito sa pagiging anghel? In his entire life bukod sa parents at mga katulong niya ay ito ang unang babaeng nagluto para sa kanya.
Hindi na siya nagsalita at tumayo na lang papuntang kusina ramdam niya na nakasunod ang dalaga.
Tama nga ito may mga nakahanda sa table na bacon, egg and fried rice.
“Black coffee or white?” tanong nito sa kanya.
“White,” maikiling sagot niya at naupo. Matiim niyang tinitigan si Leigh na abala ngayon sa pagtitimpla ng kape para sa kanya.
Inasikaso pa siya nito sa paglalagay ng pagkain sa kanyang pinggan, gusto sana niyang tumanggi pero wala siya sa mood magsalita kaya hinayaan na lang niya ang dalaga dahil lumilipad pa rin ang utak ni Terron sa nangyareng one night stand sa kanilang dalwa.
“Titigan mo ba talaga ako buong pagkain?” May pagkairita niyang tanong sa dalaga kanina pa kasi ito nakatitig sa kanya dahil sa totoo lang Terron hates eye contact.
“Gwapo ka pala,” sagot lang nito dahilan para siya ay masamid dahil sumisimsim siya ng kape ng magsalita ito.
Tumawa ang dalaga. Sinamaan niya ito ng tingin. At the same time nakakatuwang tignan itong tumawa. “Hindi ba dapat magthank you ka na lang?”
“Hindi ba pwedeng manahimik ka na lang?” Pagsusungit niya dito. Muli itong tumawa at umiling-iling. Ngayon niya napansin na may dimples pala ang babae at lumalabas 'yung tuwing tumawa at nagsasalita.
“Anyway! Kamusta naman ang mga niluto ko? Masarap ba?”
“Not bad.” kita niyang napangiti ang dalaga kaya lumabas na naman ang dalwang biloy nito.
“Wow! First time kung magluto ng hindi sunog!” pabida pa ng dalaga.
“How about the coffee?” tanong pa nito at kitang kita ang excitement.
“Masarap.” The f*cking truth ito na yata ang pinakamasarap na kapeng natikman niya for twenty seven years of existing. Wala naman ibang rason para hindi niya sabihing hindi masarap. F*ckng hell sobrang sarap!
Pumalakpak si Leigh at panay ang yes nito sa sobrang tuwa, may pagsuntok pa ito sa hangin. Napailing na lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
“Ikaw na maghugas ng plato ha?” Parang bossy na utos nito pagkatapos.
Lumabas na ito ng kusina habang siya ay nakahabol tingin dito, walang na gawa si Terron kundi ang ligpitin lahat at hugasan. Damnit!
Akala pa naman niya kakaririn na nito ang pagsisilbi!