"M-Mahal ko…" sambit ni Steven sa mahinang boses niya. Halos madurog ang puso ko habang nakikitang kong nahihirapan na si Steven. Nagsisi ako kung bakit hinayaan ko siyang lumaban mag-isa sa sakit na nararamdaman niya. Hindi ko mapigilan ang mga luha kong pumatak. "Mahal ko, pangako mo sa akin na lalaban ka, may awa ang Diyos pagagalingin ka niya." Pinilit niyang ngumiti sa akin kahit alam kong hirap na siya. "Patawarin mo sana ako dahil pinaghiwalay ko kayo ni Rafael noon. Nagsinungaling ako sa kanya para mapilitan siyang palayain ka. Ang akala niya ay tayong dalawa ang nagmamahal kaya siya nagparaya sa atin." "Sshhh! Wala kang kasalanan dahil mula nang maging mag-asawa tayong dalawa ay naging masaya ako. Hindi ko pinagsisihan na nagpakasal ako sa iyo at lalong hindi ko pinagsisihan