Welcome back! Napayakap ako sa sarili nang nararamdaman kong ang lamig ng hangin na dumampi sa balat ko. Nagsisimula na kasing umulan ng mga yelo dito sa Amerika kaya lumalamig na ang panahon. Kalalabas lang namin ang airport at naghihintay kami ng taxi para makauwi ng bahay. "May bigla akong naalala dito sa lugar na ito." Nakangiting sabi ni Steven. Umangat ang kanang kilay ko. Parang alam ko ang iniisip niya. "Iniisip mo ba yung araw na una tayong nagkita at nag-usap?" Ngumiti siya "Hindi ko inisip na tayo rin pala ang magkasama sa final destination," anito. "Siraulo! parang gusto mo na yatang mamatay tayong dalawa." Tumawa siya ng malakas. "Nagbibiro lang ako." "Ayokong mamatay dahil wala pa akong maiiwan na binhi." Hayaan mo kapag kasal na tayo bibigyan kita ng marami. "Sabay