"MA'AM. Belinda! Huwag po kayong umalis." Hinarang pa ng mayordoma namin ang katawan niya sa harap ng pintuan ng kuwarto. Umiiyak na rin siya kaya mas lalong mabigat sa pakiramdam ko ang umalis. Ngunit kailangan ko itong gawin upang magsimula ng buhay kasama ang mga taong tanggap ako at mahal ako. Tinitigan ko siya ng matalim. "Manang, 'wag nyo na akong pinigilan umalis." "Ma'am. Bella, hintayin po munang kumalma kayong dalaw ni Sir. Rafael, 'wag po kayo magpadala sa galit na nararamdaman n'yo." Tumutulo ang luha niya habang nagsasalita. Hindi ko na tuloy napigilan na hindi umiyak sa awa ko sa mayordoma namin. Kung alam lang niya ang totoong dahilan tungkol sa akin ay baka katulad rin siya ni Rafael na ipagtatabuyan ako. Hindi ko siya masisi kung bakit ganito ang reaksiyon niya dahil