"MagkakarooN ng alumni ang San Andres sa susunod na buwan 'di ba?" sabi ni Kristoff kay Erin. Tatlong linggo na rin simula nang makauwi sila galing Bicol. "Pupunta ka ba?" Hindi agad nakaimik si Erin. Dati pa niya pinag-iisipan kung pupunta ba siya sa sinasabing okasyon. Sigurado kasing marami ang magtatanong kung bakit malayo sa natapos niyang kurso ang career niya ngayon. Siya pa naman ang magna c*m laude ng batch nila. Marami ang umaasang isa siya pinaka-successful ng graphic designer. Bagaman at hindi naman ikinakahiya o pinagsisisihan ni Erin ang kung ano mang narating niya ngayon. Nakakapagod lang magpaliwanag. Pero ngayon, nakapagdesisyon na siya. "Oo naman. Maraming professors at mga classmates natin ang magtatampo kapag hindi ako um-attend." Binalingan niya ang kaibigan. "Ika