Chapter 62

2146 Words

Walang imikan sina Erin at Caleb habang sakay ng kotse nito. Samantalang wala namang tigil ang pagbuhos nang malakas na ulan sa labas. Sa bawat sandaling lumilipas ay mas lumalakas pa iyon. Lalong sumusungit ang panahon. Kumikidlat, kumukulog. Malakas at may dalang sipol ang hangin sa paligid. Kumakapal na ang traffic sa magkabilang side ng kalsada. May parte rin na tumataas na ang tubig. Napayakap sa sarili si Erin. Wala kasi siyang dalang jacket at ang lakas pa ng aircon ng kotse ni Caleb. Gayon pa man ay hindi hamak na mas malamig pa rin ang pakikitungo sa kaniya ng binata. Ni hindi man lang siya nito nilingon o tiningnan mula nang sumakay siya roon. Para lang siyang hangin na hindi nito nakikita. Samantalang si Erin ay hindi na niya mabilang ang pagkakataon na sinulyapan niya ang d

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD