HINDI na ko mapakali at panay ang sipat ng sarili sa harap ng salamin. Sa huli, ginawa ko 'yong suggestion ni Cindy. Sineryoso ko 'yong biro niya. Nakasalubong ko ang ilang staff at nginitian ko lang ng batiin ako. "What’s with the face mask? May ubo ka?" takang-tanong ni Damian at sinipat pa talaga ako. "Oo, kanina lang..." sagot ko at nag-iwas ng tingin. Umubo ng kaunti para makatotohanan. Kumunot ang noo ni Damian at pansin ko agad sa reaksyon niya na nagtataka siya samantalang kanina okay naman ako bukod sa may pimple ako sa ilong. Bitbit ko ang notes ay pumasok ako sa office ni Daddy para sunduin. Nag-angat siya ng tingin at tulad ni Damian nagtaka din si Daddy dahil naka-facemask ako. Agaw-pansin talaga kasi na may suot ako nito. "Are you sick? What happened? Okay ka lang kanina,