NASUNDAN ang punta ni Kayden sa opisina ko para sa mga concerns niya. Maging si Damian ay napansin na rin iyon. Hindi ko na lang pinatulan ang pang-aasar niya at ayoko sa lahat bigyan ng ibang kahulugan ang kada punta ni Kayden. Naikwento ko na din kay Cindy ang nangyari. Maging siya ay ganoon din ang sinasabi. "Napakamalisosyo niyo naman. Urgent lahat ng pinupunta niya sa'kin," saad ko at sumubo ng salad. "Niyo? Sino pa nagsabi bukod sa'kin?" Nabitin sa ere ang hawak na kutsara ni Cindy at nakatitig na sa akin. "Wala. Sige na kumain ka na, aakyat pa ko," sabi ko at winagayway sa harap niya ang kanang palad ko. Nagpatuloy si Cindy sa pagkain pero hindi pa din ako tinigilan. "Si Sir Damian, ano? Napansin din niya. Dalawa na kaming nagsabi," aniya at nanliit ang mga mata sa akin. Napa