KABANATA 4

1296 Words
Araw ng biyernes, iyon ang unang araw ng paghaharap nina Andrea at ang umaakusa sa kanya na walang iba kun’di si Amanda. “Mom, natatakot ako. Paano kung pumanig ang korte sa kanila? Paano kung makulong ako?” Bakas ang takot sa tono ng boses ni Andrea habang sinasabi ang mga katagang iyon. Ramdam din niya ang panginginig ng kanyang mga kamay. “We’re here for you, anak, kaya don’t worry. Hindi ka makukulong dahil wala ka namang kasalanan,” wika ng kanyang ina. “Pero-“ “Shhhh…” Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil maagap na iniharang ng kanyang ina ang hintuturo nito sa kanyang bibig. Diyos ko. Ikaw na ang bahala sa akin. Alam kong ikaw lang ang may alam sa tunay na nangyari. Tanging dalangin ni Andrea habang tulak-tulak ng kaibigan niya ang kanyang wheelchair patungo sa court room. NANG pumasok sa loob ng court room sina Andrea ay umugong ang bulungan ng mga taong naroon. "Huwag mo silang pansinin, Andrea," bulong sa kanya ni Ley na siyang nagtutulak sa kanyang wheelchair. Naroon na rin ang mga kapatid niyang sina Daryl, Nathaniel at Lorrenze pati ang ina niya at ang kanyang step father. "O-oo," kahit kinakabahan ay pinilit niyang pablangkuhin ang ekspresyon ng mukha. Sa isang panig ng court room humilera ng upo si Andrea. Wala pa ang panig ng taga-usig kaya kahit paano ay nakakahinga pa siya nang maluwag. Maya-maya ay muling umugong ang bulungan. "Hayan na sila," bulong ng isang babae sa may likuran nila. Alam ni Andrea, dumating na sina Amanda. Hindi niya napigilan ang mapatingin sa gawi ng mga ito, at hindi siya nagkakamali ng iniisip, nakatingin din sa kanya ang mga bagong dating. At kung nakatutupok sa talim ang titig ni Amanda marahil ay nagliliyab na siya sa mga sandaling iyon. "Andrea, huwag mo siyang pansinin," bulong ng ina niya sa kanya na katabi niya sa upuan. Habang ang mga kapatid naman niya at kabigan ay sa likurang bahagi ng upuan nila nakaupo. Hindi siya kumibo. Nagsimula, ang paglilitis. Tinawag ang unang testigo. Ang waiter sa restaurant na kinainan nila noon ni Raymond bago naganap ang aksidente. "Gaano mo kakilala ang namatay na si Mr. Raymond De Castro?" tanong ng tagausig sa waiter. "Kilalang-kilala ko ho siya dahil suki na siya ng restaurant namin. Kapag may ka-meeting ho, o kaya naman ay ka-date niya ang kanyang nobya ay doon sila kumakain." "Ang sinasabi mong nobya ng nasawi, narito ba siya sa courtroom?" "Oho,” tugon nito sabay turo kay Andrea. "So, ibig sabihin ay kilalang-kilala mo rin si Miss Andrea Fernandez, hindi ba?" "Oho." "At kung natatandaan mo, kailan huling kumain sa restaurant na iyon ang magnobyo?" "Noon hong Hulyo 23, 2020. Mga alas singko hanggang alas-sais ho ng hapon. “At ikaw ang nagsilbi sa kanila?" "Oho." "Kung ganoon, puwedeng narinig mo ang pag-uusap nila?" "Oho. Ang totoo ho, kaya ko natandaan ang partikular na araw na iyon ay narinig kong nagtatalo sila. Hindi ho pala, nag-aaway na pala at nagsisigawan," kuwento ng waiter sa tagausig. "Talaga? Maaari mo bang isalaysay sa hukumang ito ang mga narinig mo?" Naririnig ni Andrea ang nagaganap na usapan, ngunit tila ayaw nang rumehistro niyon sa kanyang isipan. Iisa lang ang naggugumitgit sa kanyang utak, siya ang naapi. Bakit, siya pa ang lumalabas na masama ngayon? "Narinig ko hong nagtatalo sila ng lalaking namatay. Nakikipag hiwalay ho kasi iyong lalaki sa kanya." nakatingin kay Andrea ang waiter. "Tapos ay tumayo siya at minura si Mr. De Castro. Sumumpa pa nga ho si Miss Fernandez na hindi raw magiging maligaya ang pagsasama nila ng babaeng pakakasalan nito." "Ano pang nangyari?" "Tapos ho ay patakbong lumabas si Miss Fernandez at hinabol ni Mr. De Castro. Sumunod ho ako sa pinto at sinilip sila. Sabay ho silang pumasok sa kotse. Paarangkadang lumabas ang sasakyan sa parking lot. Pero nakita ko pa ho na nanlilisik ang mga mata ni Miss Fernandez sa katabi niya at parang walang pakialam na humarurot sila sa kalsada." "Ano pa ang nakita mo?" "Wala na ho." Pagkatapos ay tinawag ang isang pang witness. "NAKITA ko hong mabilis ang takbo kaya hinabol ko. Halos nasasabayan ko na ho ito kaya nakita kong babae ang nagmamaneho at mukhang galit na galit sa katabi nitong lalaki. Nakikita ko hong bumubuka ang bibig nito na tila nagmumura," wika ng traffic inforcer na humahabol noon sa kotse ni Andrea. "Ano ang ginawa ninyo, SPO4 Tolentino?" tanong ng tagausig. "Sumenyas ako na tumabi sila, pero parang walang pakialam ang babae. Hindi rin niya pansin ang sirena ko. Lalo pa nga hong binilisan ang pagtakbo at walang pakialam sa mga nakakasalubong na malalaking sasakyan. Over-take dito over-take doon ang ginawa niya," sagot ng traffic inforcer. "At nakilala mo ba ang babaeng nagmamaneho?" "Oho." "Narito ba siya sa korteng ito?" "Oho. Hayun ho siya." Muling umugong ang bulungan sa loob ng courtroom. "Ano na ang sumunod na pangyayari, SPO4 Tolentino?" "Isang truck ho ang natanaw kong parating at pasalubong sa kotse. Nakita ko ho na wala pa ring pakialam ang driver dahil hindi man lang ito nag-abalang kumabig ng manibela. Ang driver ho ng truck ang kumabig pakanan. Pero nasapol din ho ang unahan ng kotse at tumilapon ito sa malayo habang pabali-baligatd na umikot sa kalsada. Mabuti na nga lang ho at malayo ang isang kasunod nila, kun’di ay maraming nadisgrasya," mahabang salaysay ng testigo. "ANDREA—" "I'm all right, mom. Kung mahahatulan ako sa korte dahil lahat ng testigo Ay ebidensyang nagtuturong sinadya ko ang pagkakaaksidente namin ni Raymond, that would be fine with me. Wala na akong pakialam at baka iyon ang parusa sa kasalanan ko sa kaniya," kaswal na wika ni Andrea habang tulalang nakatitig sa kawalan. "Andrea, that's ridiculous! Sinabi mo sa akin noon na hindi mo iyon sinasadya, hindi ba? Bakit ka susuko kung wala ka namang kasalanan?" "At totoo yon." "Pero bakit--" "Napapagod na ako, mom. Pagud na pagod na," wika ni Andrea na laglag ang balikat. Napailing na lang ang ina ni Andrea sa nakitang pagsuko ng anak. At naaawa siya para rito. Hindi biro ang pinagdadaanan nitong problema. Tinawag naman ang isa pang tao para tanungin. "SO, kahit matagal ng magnobyo ang kaibigan mong nasawi na si Raymond De Castro at ang nobya nitong si Andrea Fernandez ay hindi mo pa rin ito nakikilala ng personal." "Hindi pa ho," sagot ni Russell na sumulyap sa gawi ni Andrea. "And I'm dying to meet her dahil sa magagandang kuwento sa akin ni Raymond tungkol sa kanya. Kaya lang ho ay naging madalas ang pag-a-abroad ko kaya hindi na nagkaroon ng pagkakataon na magkakilala kami." "Sa pagkakatanda mo, kailan huling sinabi ni Raymond De Castro na mahal niya ang nobyang si Andrea Fernandez?" "Noon hong huling uwi ko galing sa Japan. May anim na buwan na ang nakararaan," kuwento ni Russell "At sa inyong palagay, bakit hindi na nabanggit sa inyo ni Raymond De Castro na mahal niya ang nobyang si Andrea Fernandez?" Ilang saglit na hindi nakasagot si Russell at muling napasulyap kay Andrea. "Mr. Martin, itinatanong ko kung—“ "Nabanggit ho sa akin ni Raymond na may nakilala siyang babae na Amanda Castillo ang pangalan. At sa pagkakabanggit niya, mas malakas daw ang dating nito sa kanya. Pagkatapos ho ay ang babaeng iyon na ang lagi niyang ikinukuwento sa akin. Lagi raw niya itong kasama at pagkaraan ng ilang araw ay sila na raw," mahabang salaysay ni Russell. "Sa madaling sabi, ito na ang mahal ng nasawi?" tanong ng tatausig kay Russell "Sa akin hong palagay... oo." "At ibig sabihin niyon, nawalan na talaga siya ng panahon sa una niyang nobya na si Andrea Fernandez?" "Oho." Nagbawi ng tingin si Russell kay Andrea. Mayamaya ay sumenyas muna ang judge for a fifteen minutes break.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD