Kinaumagahan nag-decide si Andrea na pumunta sa burol ni Raymond.
"L-Ley, hindi ko yata kaya. B–baka—"
"Kapag hindi mo ginawa ang sinabi ko, habang buhay kang hindi matatahimik, Andrea. Habang buhay kang hahabulin ng kosensiya mo at sisisihin mo ang iyong sarili," ani Ley.
Ilang sandaling hindi nakaimik si Andrea.
"H—hindi ko yata kayang pumunta sa burol niya, Ley. H–hindi ko pala halos maigalaw ang mga paa ko. I–isa pa, baka alam ng mga tao na kasalanan ko ang—"
"Andrea, puwede ka namang magpunta sa funeral parlor kahit naka-wheelchair ka. Isa pa, wala na namang magulang si Raymond, hindi ba? Siguro naman ay hindi alam ng mga kaibigan niya ang nangyari sa kotse." pangungumbinsi ni Shiela kay Andrea para makapunta ito sa burol.
Makalipas ang ilang oras, nasa harapan na ng kabaong ni Raymond ang magkaibigan. Naka-wheelchair din si Andrea na dumating sa burol ni Raymond dahil hindi pa siya makalakad ng maayos.
"RAYMOND, saan ka man ngayon, sana'y mapatawad mo ako, hindi ko sinasadya ang nangyaring aksidente. Nasaktan lang ako ng sobra at nadala ng galit. Sana mapatawad mo ako Raymond," bulong ni Andrea habang nakatunghay sa bangkay ni Raymond. Nakaalalay sa kanya ni Ley upang hindi siya mabuwal. Nagsimula nang lumaglag ang luha sa mga mata niya. “And please, give me a sign na pinapatawad mo ako. Kahit ano, kahit isang puting rosas lang na sisimbolo sa-"
"You must be, Andrea?" ani ng isang baritonong boses.
Napalingon si Andrea sa may-ari ng tinig na nakatayo sa tabi niya.
"Y–yes?" saka tumuon ang paningin niya sa hawak nitong puting rosas. Oh God! Tila bumilis ang t***k ng kanyang puso na muling napatingin sa guwapong mukha ng lalaki. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Ley na nakaagapay pa rin sa kanya.
Ang punting rosas!
Inilapag ng lalaki sa ibabaw ng kabaong ni Raymond ang mga dalang bulaklak. Nakasunod naman ang tinigin niya sa mga iyon.
"Madalas kang ikuwento sa akin noon ni Raymond," wika nito na sa salamin na ng kabaong nakatuon ang pansin. "And I'm really sorry dahil sa ganitong pagkakataon pa tayo nagkatagpo. By the way, I'm Russell, his bestfriend," bumaling na ito sa kanya at inilahad ang palad sa kanya.
Walang imik na tinanggap niya ang palad nito. "Alam mo bang hindi ka dapat nagpunta dito," mahinang sabi ni Russell.
"H–ha?" nabigla siya sa narinig.
"Talagang hindi ka dapat nagpunta rito!" buhat sa likuran nila ay sigaw ng isang babae.
"Walanghiya ka! Ang kapal ng mukha mo para magpunta pa rito!" sumugod ito para saktan siya.
"Amanda, huwag!" naging maagap naman si Russell sa pagharang sa babae upang hindi makalapit sa kanya. "Huwag kang mag-eskandalo rito."
"Akala mo ba ay walang nakakaalam na pinatay mo si Raymond?"
Napaawang ang bibig ni Andrea at napatingin sa mga taong naroroon.
"H–hindi ko siya pinatay. Hindi ko sinasadya!" bigkas niya na tila bibigay na sa nga sandaling iyon.
"Sinungaling!" akmang susugod ulit ito pero pinigilan ulit ni Russell.
"Amanda, please," patuloy sa pag-awat si Russell na tinatangkang ilayo na ito roon.
"Hindi pa tayo tapos, Andrea. Akala mo ba'y hindi ko alam na kaya mo siya pinatay ay dahil hindi mo matanggap na iiwanan ka na niya para ako ang pakasalan niya?" patuloy na sigaw ng babae kahit nadala na ito sa tapat ng pinto ng isa sa mga silid doon.
Saka lang niya natiyak na ito nga ang babaeng naging dahilan para iwanan siya ni Raymond.
"Hindi totoo iyan!" wika niya
"Ha! Pagbabayaran mo ito. Idedemanda kita at titiyakin ko sa iyo na makukulong ka!" tuluyan na itong naipasok si Russell sa silid.
Katahimikan na ang bumalot sa loob ng funeral parlor. Nanatili namang nakaawang ang bibig ni Andrea.
"A—Andrea, halika na," untag sa kanya ni Ley.
"H—ha?" saka muling gumala ang paningin niya sa mga taong naroroon.
At kagaya kanina, nakatuon pa rin sa kanya ang mga galit na paningin na mga ito.
"H—halika na!" tila napapasong pinilit niyang humakbang pabalik sa kanyang wheelchair.
Inalalayan naman siya ni Ley.
At alam niya, habang palabas sila ng kaibigan sa funeral parlor na iyon ay nakasunod pa rin sa kanila ang galit na titig ng mga tao sa kanya. Mga titig na akala mo ay kakainin siya ng buhay. Inusig na agad siya ng hindi naman ng mga ito alam ang tunay na nangyari. Hindi nila alam kung gaano kasakit ang nangyari sa kanya para husgahan siya. Pagkatapos niyon, bumalik na silang muli sa ospital dahil hindi pa naman tuluyang na-discharged si Andrea. Kailangan pa niyang magpagaling ng husto dahil malaki rin ang naging pinsala sa katawan niya gawa ng aksidenteng kinasangkutan nila ni Raymond. Pagbalik nila sa ospital ay naroon na at naghihintay sa kanya ang mga kapatid sa ama na sina Daryl, Nathaniel at Lorrenze kasama ang mommy niya.
“How are you, Andrea?” agad na tanong ng kuya Daryl niya nang makita siya.
“I’m okay, kuya,” tugon niya na bakas sa tono ng boses ang lungkot.
“Look, alam kong hanggang ngayon ay sinisisi mo pa rin ang sarili mo sa nangyare pero sana hindi dahil aksidente naman ang nangyari.” Si Nathaniel naman ang nagsalita.
“Mahirap. M-mahirap na kahit anong pilit kong kumbinsi sa sarili kong wala akong naging kasalan ay hindi ko magawa. K-kasi… kung hindi ako nagpadala sa galit ko ay hindi mangyayari iyon,” aniyang napahaguhol na. Kaagad naman lumapit sa kanya ang ina at hinaplos-haplos ang kanyang likod.
“Kagagawan rin naman ng lalaki na iyon kung bakit ka nagkaganoon. Kung nakuntento lang sana siya sa isang babae ay hindi mangyayari iyon,” sabat naman ni Lorrenze.
“Pero paano kung kasuhan nila ako?”
“Andito kami para tulungan ka. Hindi ka makukulong, pangako iyan,” sabi naman ni Daryl.
“Anak, huwag mo muna isipin ang mga bagay na iyan. Ang mahalaga sa ngayon ay ang gumaling ka,” wika naman ng kanyang ina.
“Natatakot ako, mom.”
“Bakit ka matatakot? Andito kaming pamilya mo, anak. Hindi ka namin pababayaan. For now, magpahinga ka na at para gumaling ka na agad.” Kaagad siyang inalalayan ng ina para humiga. At tila gumaan naman kahit papaano ang pakiramdam ni Andrea. Mabuti na lang talaga at nakaalalay sa kanya ang pamilya niya dahil kung wala ang mga ito ay baka gustuhin na lang niyang sumunod na lang kay Raymond.
Pagkatapos niyon ay nagsipaalam ng ang mga kapatid pati na ang kaibigan niyang si Ley. At dahil sa mahina pa ang katawan ni Andrea ay kaagad siyang nakatulog matapos makainom ng gamot.
May isang linggo pang nanatili si Andrea sa ospital para magpagaling bago siya nakauwi. Ngunit kahit na sa bahay na siya, ang pabigat sa kanyang dibdib ay tila hindi maalis-alis.
"Anak, huwag ka namang ganiyan. Mula nang iuwi ka namin dito, halos hindi ka na namin makausap. Ayaw mong kumain at nangangalumata ka na sa hindi mo pagtulog," nag-aalalang wika ng ina niya.
Malamlam ang mga matang sinulyapan niya ang kanyang ina habang nakasandal siya sa headboard ng kama.
"Mom, I'm sorry kung binibigyan ko kayo ng alalahanin. Masyado lang akong apektado ng mga pangyayari. Hindi ko parin mapatawad ang sarili ko sa nangyaring aksidente. Dahil ako ang dahilan kung bakit namatay si Raymond. Nagpadala ako sa galit ng mga oras na iyon."
"We understand you, Hija. Naintindihan ka namin ng mga kapatid mo. Pero kahit ano pa man ang nangyari sa relasyon ninyo ni Raymond, ngayong wala na siya, life must go on. Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo at hindi ka dapat sumama sa kanya sa hukay," wika ng ina niya na masuyong hinaplos ang kanyang likod.
Napasigok si Andrea.
"I know that, mom. Kaya lang—"
Mahihinang katok sa pinto ang pumukaw sa pag-uusap nilang mag-ina. Ang katulong na si Aling Marta ang sumungaw sa bumukas na pinto.
"Ma'am, may tao po sa ibaba. May dala raw po siyang subpoena para kay ma'am Andrea."
Ang Mama naman niya ay napaawang ang bibig. Nagulat sa sinabi ng katulong.
"Diyan ka muna, Hija, ako na ang kakausap." Iyon lang at lumabas na ito sa kanyang silid.
Naiwang natigigilan si Andrea.
Si Amanda, itinuloy na niya ang demanda laban sa akin! Kumakabog ang dibdib niya na iyon agad ang naisip niya.
Nang bumalik sa silid niya ang kanyang mommy, nakumpirma niya ang hinala.
"Anak, nakademanda ka ng murder," nag-aalalang wika nito.
Gustong manghina ni Andrea lalo niyang sinisi ang sarili.
"Anak, huwag kang mag-alala, kami ng tito mo at ng mga kapatid mo ang bahala. Alam naming hindi mo sinasadya ang nangyari kay Raymond, hindi ba?" wika ng mommy niya. Malakas ang loob niyang hindi pababayaan si Andrea ng mga kapatid nito sa ama.
"O–oho," tugon niya sa ina.
"Kung ganoon, iyon ang panindigan mo sa korte. Ikukuha ka namin ng mahusay na abogado," wika ng ina niya na agad ginagap ang kamay niya.
"S—salamat ho, mom," aniya at yumakap na sa ina. Alam niyang hindi siya pababayaan ng mga ito. Masyado lang siyang nasaktan at nadala lang siya ng galit ng mga oras na nangyari ang aksidente, hindi niya ginusto ang mga nangyari.