bc

When Chloe Pretends To Be Chleo

book_age16+
4.4K
FOLLOW
9.9K
READ
possessive
student
mafia
comedy
twisted
sweet
bxg
witty
campus
secrets
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa kagustuhan ni Chloe na makalimutan at takasan ang ex-boyfriend nya ay naisipan nyang magpanggap bilang lalaki sa katauhan ng kanyang kambal na lalaki. At dahil nasa ibang bansa ang kapatid nya ay naisipan nyang pumasok sa dati nitong paraalan na school for the boys para hindi na sya mahanap ng kanyang ex-boyfriend ngunit hanggang saan at kailan sya makakapagpanggap bilang si Chleo na kanyang kambal kung palaging umaaligid sa kanya ang kaibigan ng kanyang kakambal na si Nairo kakayanin parin kaya nya ang pagpapanggap o irereveal nya ang tunay na katauhan sa lalaki? Abangan....

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE  CHLOE's P.O.V Paano kung isang araw ay bigla kang magising at pag gising mo ay pumapasok ka na sa Melville University kung saan ay kilala ito bilang pinakatanyag na paaralan para sa mga kalalakihan! At dahil gusto mong tumakbo at magtago sa iyong nakaraan ay napagdisusyanan mong manatili nalang pumasok sa paaralan ng mga kalalakihan kaya wala kang ibang magawa kundi ang magpanggap nalang. Hanggang ngayon ay nananatili pa din akong nakatayo sa harap ng iskwelahan kung saan pumapasok si Chleo ang kakambal ko. Huminga muna ko nang malalim saka ko pumasok sa loob ng gate. Dahil unang araw ng pasukan ay kailangan kong pumila para hanapin ang seksyon ni Chleo. At kahit nakakailang na pumila dahil puro lalaki ang nakikita ko sa school na 'to ay di nalang ako nagpaapekto. At nang malapit ko nang maabot ang bulletin board ay may biglang humampas sa puwitan kaya naman napatingin ako sa lalaking tumabi sakin na nakangisi! "Gago ka ah! Ba't moko hinampas sa puwit?!" Galit na singhal ko sa kanya. Nakita kong pinagtinginan kaming dalawa nung lalaking sinigawan ko. "Woahh woahh! Brad anong nangyari sayo? Una bakit nagrereklamo ka dyan eh iisa lang tayo ng dorm pangalawa madalas tayo maligo ng sabay! Hinampas ko lang yung puwitan mo galit na galit ka na! Pangalawa bakit parang lumiit ka yata ng konti? Saka lumiit din yung boses mo nagkasakit ka ba nung bakasyon?" takang tanong nito. Kunot-noong napatingin ako sa kanya. Nakita kong napangisi sya saka ko inakbayan at hinila sa kung saan. "Wag mo ko pagtripan Chleo dahil pag ikaw pinagtripan ko ay nako!" Nakangising sabi nito. "A-ano ba! Bakit ba feeling close ka! Kilala ba kita?!" angil ko sa kanya. "Gago ka par! Nagbakasyon ka lang kinalimutan mo ang kagwapuhan ko!" sabi niya pa kaya naman napaisip ako. -FLASHBACK- "Chloe sigurado ka na ba?" sabi ni Chleo sakin kaya naman tumango ako. "Ayoko nang makita pa ang ex ko na walang hiya kaya sige na Chleo! Ako nalang ang magpapanggap na ikaw papasok ako sa school mo para lang makatakas ako sa animal na yon!" Sabi ko sa kakambal ko. "Magaaral ako sa states, pero kung desidido ka sige magpanggap kang ikaw ako pero mag-ingat ka kung ayaw mo mabisto! May kaibigan ako dun si Nairo Lev Melville ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng school. At yung mga ID's ko gamitin mo para di ka paghinalaan lalo." sabi ni Chleo kaya naman tumango na ako. -END OF FLASHBACK- "N-NAIRO?!" Napasigaw na sabi ko. Nakita ko namang nagulat sya saka ngumisi at inakbayan ako saka ginulo ang wig ko! Mabuti nalang talaga at makapit ang pagkakalagay ko nun! "Ako nga Chleo! Kala ko talaga nakalimutan mo na ko!" Nakangiting sabi niya. "Ano ba! Wag mo guluhin ang buhok ko!" Inis na sabi ko sa kanya. "Ano ba yan par! Nireregla ka ba? Ang init nang ulo mo dinaig mo pa babae eh!" sabi niya kaya napatahimik ako. "P-pasensya na, Par." sabi ko sa kanya kaya nakita kong napangisi sya. "Wag ka na mag sorry ayos lang sakin isa pa bumalik na tayo sa dorm dahil alam ko ng section natin! Magpahinga ka na sa dorm dahil bukas nang maaga pasok natin." Sabi niya saka ko inakbayan at saka kami naglakad papuntang dormitory. Pagpasok sa dorm namin ay may dalawang kwarto ang nasa loob. "S-san yung kwarto ko par?" Tanong ko sakanya kaya nakita kong napanganga sya. Napayuko ako saka nagkamot nang ulo! 'Ano kaba Chloe! Dapat kasi tinanong mo si Chleo para di ka nalilito!' "Par ayos ka lang ba?" kunot-noong tanong ni Nairo kaya napatingin ako sa kanya. "A-ayos lang ako." sabi ko saka dumiretso sa isang kwarto ng hilahin ako ni Nairo dahilan para mauntog ako sa dibdib nya. "A-ano ba!" Angil ko sa kanya pakiramdam ko kasi namumula na ko! "Par yan yung kwarto ko sa kabila yung iyo. Lutang ka yata eh!" Di makapaniwalang sabi niya sakin. Huminga ko nang malalim saka ko pumasok sa kwarto ni Chleo at saka ko nilock yung pintuan. Dahil hinila ko ang maleta ko sa kwarto ay naghanap ako ng susuotin ko. Nagpasya akong maligo kaya tinanggal ko ang wig ko at ang iba pa. Nagsimula na kong maligo at nang matapos na ko ay saka ko naghanap ng maluwang na t-shirt saka ko binendahan ang dibdib ko! Kaso ang walang hiyang benda pahirapan na naman ako sa paglagay dahil sa dinami-dami ng pwedeng ilaki sa katawan ko sa dibdib pa napunta kaya nagpasya nalang akong magbra at isuot ang maluwag na t-shirt. Matapos nun ay nagsuklay na ko ng buhok saka ko pinuyod ang buhok ko saka ko inilagay ang wig ko. Dinamihan ko ang hairpin para di basta basta matanggal. Nagsuot din ako ng jershey shorts. Nang marinig kong kumatok si Nairo. "Par! Tara kain na tayo bumili ako sa canteen ng makakain kaya dito na tayo kumain." Sabi niya kaya naman napatingin ako sa salamin ng makita kong halatang-halata ang dibdib ko sa t-shirt ko kahit na maluwag iyon! Kaya ang ginawa ko ay nagsuot ako ng mga limang sando bago humupa ang umbok sa dibdib ko saka ko sinuot ulit ang maluwag na tshirt saka lumabas ng kwarto. Nang makaupo ako sa sala ay nakita kong titig na titig si Nairo sakin. "Par pansin ko parang may nag-iba sayo nito lang..." seryosong sabi niya sakin. "B-bakit?" Nautal na sabi ko sa kanya. Napahimas himas sya sa baba nya saka parang nag-isip. "Kanina kasi nung nakatalikod ka para kang babae kaya nag-alinlangan akong hampasin ka sa puwitan tapos pangalawa habang naglalakad ka kanina kumekembot ka." Seryosong turan nya at nagulat ako ng bigla syang lumapit sakin habang nakatitig na may pagtataka sa dibdib ko. At nanlaki ang mata ko ng makita kong ilalapit nya ang kamay nya sa dibdib ko na parang balak nyang hawakan yun! "H-hoy ano kaba! Sasapakin kita! B-bakla kaba?!" Sigaw ko sa kanya dahilan para mapangisi sya. "Ang sensitive mo par! Konti nalang maiisip ko na talagang ikaw ang bading sating dalawa kasi ang sungit-sungit mo." Sabi nya sakin. "Isa pa ang weird mo... Dati kasi hindi ka ganyan ka payat isa pa hindi ka rin matinis magsalita. Pakiramdam ko tuloy ibang tao kaharap ko kasi para kang babae par!" iiling-iling na sabi nya. 'Baka kasi babae talaga yung kaharap mo!' Usal ko sa isip ko. Mygad! Wag sana kong mabisto agad dahil kailangan kong magtago! --- To be continued...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Their Desire (Super SPG)

read
961.1K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.0K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.1K
bc

He's Cold Hearted

read
160.3K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
267.8K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
320.3K
bc

Just A Taste (SPG)

read
892.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook