CHAPTER 1

1276 Words
CHAPTER 1 CHLOE's P.O.V Kinabukasan ay maaga kong nagising at agad akong naligo matapos ay nagbenda nako sa dibdib ko at naguniform nako saka ko sinuot ang wig ko.  Pagkalabas ko ay nakita kong nakabihis nadin si Nairo at sa unang beses ay nakita ko kung gaano sya kagwapo kaya naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Maputi sya, kissable at mapula ang labi, mahaba ang pilikmata at mapungay ang mga mata. Matangos din ang ilong habang may height na 5'9 habang ako naman ay 5'7. "Par naglalaway ka na." Nakangising sabi ni Nairo kaya napaubo ako. "Siraulo ka ba? Para kang bading!" Naasar na sabi ko sa kanya. Tumawa naman sya saka ko hinila at inakbayan. "Tara na nga!" Sabi ni Nairo saka kami naglakad palabas ng dorm pero nagulat ako dahil parang lumalabas kami ng school, nakita  si Nairo ng guard pero di sya nito pinansin. Dire diretso lang kami hanggang sa makarating kami sa Nethervine University. Katapat na school ng Melville University. "Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ko sakanya. Nakita kong napangisi si Nairo. "Dadalawin natin si Kaycee. School ng mga babae 'to at pupunta tayo sa dorm nya." Sabi ni Nairo kaya wala nakong nagawa ng hinila nya ako. "Hoy ungas! Mag cucutting classes tayo?" Sabi ko sakanya nakita ko namang tumango sya. "Sige na Par ngayon lang gusto ko lang makausap si Kaycee." Sabi niya kaya naman napatahimik nalang ako. Nang makarating kami sa isang kwarto ay kumatok dun si Nairo at nakita kong lumabas sa pintuan ang babae. "Nairo? A-anong ginagawa mo dito?" Sabi nung babae. "Kaycee! Dumating na kasi yung tropa ko ito oh si Chleo! Gwapo yang kaibigan ko pero mas gwapo padin kayo." Sabi ni Nairo kay Kaycee. Tinapunan naman ako ng tingin ng babae at nakita kong napangiti ito ng makita ako at saka hinawi ang buhok nito sa likod ng tenga nya tinanguan ko lang sya. "Nice to meet Chleo." Nakangiting sabi nung babae sakin seryoso ko syang tinanguan saka ko bumaling sa iba. "Nga pala ba't di kayo pumasok sa loob." Sabi ni Kaycee. "Kailangan na kasi naming pum—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng takpan ni Nairo ang bibig ko gamit ang kamay nya. "Sige papasok kami sa loob. Salamat!" Nakangiting sabi ni Nairo saka pumasok si Kaycee sa loob. "Gago ka! Kala ko ba saglit lang tayo!" Naiinis na sabi ko kay Nairo. "Oo nga saglit lang tayo mamaya na tayo umalis inaaya pa nga tayo ni Kaycee eh!" Sabi ni Nairo kaya naman inis na napakamot ako sa ulo ko. "Sino ba kasi yang babae na yan at di mo maiwan?!" Inis na sabi ko sakanya. "Gusto ko nga par! Balak ko ligawan kaya dapat tulungan moko!" Sabi niya.  Pumasok na kami sa loob ng dorm nila at nakita kong naghain ng pagkain si Kaycee samin. "Yan oh cake kakabili ko lang kanina. Tikman nyo masarap." Sabi ni Kaycee saka tumabi sakin.  Naiilang akong napausog at nakita kong umusog ulit sya palapit sakin!  Ugh! Ano ba 'tong babaeng 'to napakamanhid naman di makaramdam!  "Kaycee dito ka sa tabi ko oh maluwag." Sabi ni Nairo at nakita ko namang napanguso si Kaycee at napilitang tumabi sakanya. "Ilang taon kana pala Chleo?" Nakangiting turan ni Kaycee sakin. "19." Tipid kong sagot sakanya. Tumango naman sya saka bumaling kay Nairo. "Di ko alam na gwapo pala yung kaibigan mo Nairo hihi. Kailan pala balik nyo dito?" Sabi ni Kaycee kay Nairo. "Di na kami baba—" hindi ko na naman naituloy dahil biglang sumabat si Nairo! "Sa susunod siguro Kaycee, kapag may bakante kami." Sabi ni Nairo saka ngumiti kay Kaycee. Napairap naman ako. Ang manhid naman nitong lalaki. Titig na titig sa babae nya eh sakin naman nakatingin. "Nairo tara na!" Sabi ko kay Nairo saka ko tumayo. "Bye Kaycee pasok na kami ah." Sabi ni Nairo saka nakangiting lumabas kasama ko. "Bye Chleo balik kayo dito ah!" Nakangiting sabi ni Kaycee habang nakatingin sakin dahilan para mapakunot noo ako. "Oo Kaycee babalik kami." Sabi ni Nairo saka ko sya hinila papatawid sa school namin at nang makarating at makapasok kami sa room ay nasermunan kami ng prof namin dahil late na kaming nakapasok. "Gago mo kasi! Pati ako nadadamay sayo eh." Sabi ko kay Nairo nakita ko namang nakangisi lang sya. "Sus, gawain kaya natin noon 'to par! Naalala mo si Yhana? Yung pinopormahan mo sa kabilang school? Diba nga ako kasama mo nun noong gusto mong magcut at makipag kita don sa babae mo. Sus ikaw par kunwari kapa eh mas marami pa ngang kinikita mo kaysa sakin." Sabi ni Nairo kaya nagsalubong na naman ang kilay ko. "Nagbago nako lul." Sabi ko sakanya dahilan para matawa sya. Nang matapos ang discussion namin ay dumiretso kami sa swimming studio namin dahil pe class na namin ngayon. Sabay kaming pumunta sa bathroom ni Nairo at nakita kong naghubad ito hanggang sa matira nalang ang boxer kaya nanlaki ang mata ko at napapikit. 'Waaah jusko! Swimming class namin! Ibig sabihin kailangan naming magswimming trunks!' "Oh par? Di kapa ba maghuhubad at magbibihis?" Sabi ni Nairo.  Napalunok akong napatingin sakanya. "A-ano hindi na... Mag t-tshirt at trunks nalang ako." Sabi ko saka pumasok sa isang cubicle at saka nagsuot ng swimming trunks ng biglang bumukas ang pinto ng cubicle na pinasukan ko. "Par bat dito ka pa nagbibihis? Bilisan mo na!" Sabi nya saka kami sabay na lumabas at pumunta sa harap ng swimming pool. "Oy Asmera himala di ka yata naka topless ah may sakit ka?" Nakangising sabi ng kaklase kong isa. "Kaya nga eh! Pagdating sa payabangan ng katawan laging nangunguna yan eh." Sabi pa nung isa. "Baka nahiya nang magpakita ng abs mga dre hahahahaha!" Sabi pa ng isa saka sila nagtawanan. Napakuyom ako ng kamao. "Hoy! Wag nyo ngang asarin baka maghubad yan." Nakakalokong sabi rin ni Nairo. Binatukan ko nga. "Hoy kayong mga ungas kayo porke di ako naghubad binibig deal nyo na? Di ba pwedeng pinagbibigyan ko lang yang mga trying hard nyong mga abs?" Mayabang na sabi ko sakanila dahilan para mapatahimik sila. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Hindi kasi ako kasing galing ni Chleo na magswimming kaya naman natetense ako! "Okay class maglalaro tayo ngayon by pair..." Sabi ni Sir saka nagbigay ng instruction. Naging partner ko si Nairo at nang pumito si Sir ay sabay kaming lumusong sa tubig at lumangoy. At nang mapansin kong malayo nako ay inahon ko ang katawan ko at nang ikampay ko ang paa ko sa sahig ay nakaramdam nako ng ka ba! Hindi ko maabot ang sahig kaya nagsimula nakong kabahan! Napakampay ako sa tubig ng wala sa oras ng magsimulang lumubog ang katawan ko sa tubig. "T-TULONG!" Malakas na sigaw ko at parang maiiyak nako. Narinig kong may lumusong sa tubig at muli akong napalublob sa tubig ng maramdaman kong may bisig na kumapit sa bewang ko at nang makaahon ako ay nakita ko si Nairo na nakatingin sakin at saka ko tinulungan makaahon sa tubig. Napaubo-ubo ako nang makita kong tumakbo at nagsilapitan ang mga kaklase namin pati na yung prof namin. "Mr. Asmera ayos ka lang ba?" Sabi ni prof. Nakahinga ako ng maluwag at napatango ako ng marahan. "Anong nangyari? Diba magaling kang lumangoy Chleo?" Sabi ng isa sa mga kaklase ko. "Baka nawala na yung galing." Sabi pa nung isa. Sinamaan ko sila nang tingin dahilan para magsi alisan sila sa harapan ko. "Huy par ayos ka lang?" Sabi ni Nairo. Nangilid na naman ang luha ko saka ngumiti ng tipid. "A-ayos lang ako. Sumakit kasi yung paa ko saka salamat," sabi ko sakanya.  Napansin kong seryoso syang nakatingin sakin. "Par... Nawala na ba yung abs mo?" Seryosong sabi ni Nairo. Hindi ako nakasagot at di ako nakaimik sa sinabi nya. 'Patay mukhang bisto na ko!' "Sabi na nga ba eh! Kaya ayaw mo maghubad kasi nahihiya kang malaman namin na nawala na yung abs na iniingatan mo saka isa pa Par, parang lumambot yung bewang mo parang pambabae." Natatawang sabi ni Nairo. "S-siraulo! A-ano ko bakla?!" Inis na sabi ko sakanya. 'Buti nalang nakaligtas!' --- To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD