CHAPTER 23 CHLOE's P.O.V Nang makapagbyahe na kami ng ilang oras pamaynila ay agad kaming nakarating sa condo ni Nairo. Magkaholding hands kaming naglakad patungong condo nya at ng buksan nya ang pintuan non ay nagulat kaming pareho ng madatnan naman ang masamang tingin ni Quinn. "So ito na pala ang pinagkakaabalahan mo Nairo?" Halatang galit na sabi nya samin saka ko tinitigan ng masama. Naramdaman ko naman ang mahigpit na paghawak ni Nairo sa mga kamay ko saka kami pumasok sa loob. "Sinabi ko na sayo Quinn diba? Tapos na tayo ilang beses ko pa ba dapat sabihin sayo yon?" Inis na sabi naman ni Nairo. Nagulat nalang ako ng makita kong sinampal ni Quinn si Nairo. "Gago ka pala eh! Ano ha?! Hihiwalayan mo ko dahil sa malanding babae na yan?! Tapos kapag sinaktan ka ulit nya babalik ka