Naramdaman niyang wala na siyang kasama sa bahay, nainis nga yata ang pasaway niyang inaanak sa kakulitan niya dahil hindi na manlang ito nagpaalam sa kanya bago umalis. Naalala niya ang itsura nito, todo simangot kaya natatawa na lamang siyang napailing. Tumunog ang ang kanyang cellphone kaya minabuti niya na kuhain ito iyon gilid niya, pag tingin siya sa screen ay ang kanyang kuya Amaro pala ang tumatawa sa messenger. Agad niyang sinagot iyon. “Ohh bakit Kuya?” Tanong agad niya pagkasagot sa phone. “Bruh, punta kami diyan mamaya ni Leon ha, pero baka gabi na kami makakapunta kasi busy pa yung tao. Hindi ba't nabanggit na rin naman sayo nina Mama at Papa na may gusto makipagkilala sayo. At ako naman bilang kuya mo na gustong-gusto na rin na magkaasawa ka dahil tumatanda ka na rin.