Napapailing na pumasok ng gate si Rage, paano ba naman hindi naman tuloy ang plano ni Helena kasi inaya itong mag-mall ng mama nito. Pero ewan lang niya, parang idinahilan lamang ng pasaway ang project para magtungo siya doon. Nais nga siyang isama ni Helena pero hindi siya pumayag, pero kung totoo man na project talaga ang dahilan kaya pinapunta siya doon. Nakakainis, dahil inuna pa ang gala kesa sa project nila. Tsaka inisip niya kasi na baka maagang dumating iyong bisita ng kanyang ninang. Mabuti na yung nasa bahay na lamang siya para mabantayan niya ang lalaki, hindi niya kasi alam mamaya may masama itong balak sa kanyang ninang. At saka para mabantayan na rin ito, kung maaari nga lang ayaw niya na tatanggap ng manliligaw ang kanyang ninang pero dahil sa pumayag na rin ito sa nai