Kabanata 10

2665 Words
Know Him   Vince Kael Magallano, ang captain ng basketball team ng pinapasukan kong unibersidad noong hindi pa siya nakakagraduate, namatay ang mga magulang niya sa isang aksidente noong bata pa siya, ang mga kamag-anak niyang nasa ibang bansa ang nagtaguyod sa kanya mula pagkabata, at nagtapos bilang c*m laude sa kursong political science.   Bukod doon ay wala na akong iba pang maisip na alam ko tungkol sa kanya. Kanina pa ako pabalik-balik sa mga iyon, sinusuri baka may nakalimutan lang ako, pinipiga ang utak at baka may nakaligtaan lang maalala. Hindi ko kasi makitaan ng kahit anong koneksyon, hindi ko mahanapan ng kahit anong kaugnayan kay Senator.   Sa dalawang buwan naming pagiging magkasintahan, wala akong nakitang ni katiting na bakas na nagpapatunay ng koneksyon niya kay Senator. Wala. Malinis. Ganoon niya kagaling na naitago sakin ang lihim. Ganoon kalinis ang pagkataong pinakita niya sakin.   Kaya naman hindi masukat-sukat ang pagkakagulantang na nararamdaman ko ngayon. Kahit na kanina ko pa iyon narinig mula kay papa, kahit ilang minuto na ang lumipas, hindi ko pa rin kayang paniwalaan. Tila ayaw pa ring tanggapin ng aking utak.   Nahagip ng aking paningin si Hendrix na nakaupo hindi kalayuan sakin. Pinapanood ako nito. Tinatawanan na ba niya ako sa isipan dahil dalawang buwan din akong pinagmukhang tanga ni Vince? O mas lalo lamang lumaki ang galit niya sakin? Kasi ako ‘to eh, ang girlfriend ng kinasusuklaman niyang kapatid.   “Is that why you hate me? Because I am his girlfriend? O kaya ka pumayag sa gusto ni papa na protektahan ako at ilayo kay Vince, dahil gusto mong makaganti sa kanya?”   Nanatili lamang ang maiging pagtitig niya sa akin, iyong tipong hindi niya ako hahayaang makawala sa paningin niya.   “Sumagot ka Hendrix! Kahit alin naman doon ang isagot mo, hindi ako magagalit. I just want to know.”   Doon ay hindi ko na napigilan pa ang pag-alpasan ng luha. Mabilis ko iyong pinunasan dahil ayaw kong makita niya. Ayokong nakikita niya akong mahina at talunan, kapag ganoon kasi pakiramdam ko mas lumalaki lang ang galit niya sakin, mas hindi niya lang ako nagugustuhan.   But in the end my tears were too much for me to even wipe. Dinig ko ang pagbuntong hininga niya at pagkatapos ay nakita ko na lamang itong dinadala ang silya palapit sa akin. Naupo ito sa mismong harapan ko at kinulong ang aking mga binti ng kaniyang mga tuhod. Napakaliit tingnan ng mga hita ko sa pagitan ng kanya. Balak ko nalang sanang ituon doon ang tingin ngunit siya na rin mismo ang nag-angat ng mukha ko para paharapin sa kaniya.   “Why are you crying?” Strikto niyang pagtatanong.   “Because it’s so frustrating! He was my boyfriend but I didn’t even know that Senator is his father! Nakakainis kasi pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nangyayari ‘to, kung bakit kailangan naming magtago, kung bakit kami nasa sitwasyong ito! It is so frustrating kasi kahit na alam ko na ‘yung totoo, wala man lang akong magawa! Hindi ko matutulungan si papa, hindi ko matutulungan ang kahit na sino!”   He remained listening, he remained watching me as if he knew that I wasn’t done talking.   “All I’ve ever known is that, he is Vince. Pinaniwalaan ko agad lahat ng lumabas sa bibig niya, I didn’t doubt him even once. I was so sure then that everything that he has told me was the truth. Alam mo ba ang pakiramdam non, ha?! ‘Yung dati pa lang pala niloloko ka na at wala ka man lang kahit anong ideya.”   Nakatitig lang pa rin ito. Hindi na naman ba siya magsasalita? Aarte na naman ba siyang parang hangin lamang ang aking mga salita?   Mas lalo kong pinatalim ang tingin sa kanya. Nagtangka akong tatayo para umalis nalang sana pero inipit ng mga tuhod niya ang aking mga hita.   “Are you done?” He asked.   Bumalik ako sa pagkakaupo at halos mapanuyang napangisi sa sinabi niya.   “At ikaw, nakakainis ka! Hindi mo ako sinasagot! Lahat ng tinatanong ko hindi mo sinasagot! Ayaw mo akong kausapin! Hindi mo ako pinapansin sa tuwing kinakausap kita! Nakakainis ka!”   May dumaan pa munang multo ng ngiti sa mukha niya bago nakasagot, “What do you want me to do?”   “Kausapin mo ako kapag kinakausap kita!”   Sinimangutan ko siya. I don’t know how I looked when I did that. Maybe my face looked funny that’s why he looked away for a second, or maybe he is getting annoyed again. Ngunit nang ibalik niya na ang tingin, nagbuntong hininga ulit siya at itinukod ang pagkabilang palad sa magkabilang gilid ng aking upuan. Mas naging malapit, mas naging mahirap huminga sa harap niya.   “Now talk to me.”   Siguro ay hindi siya naiilang kahit pa napakalapit na namin sa isa’t isa kaya kahit na dama ko na pati ang init ng hininga niya ay hindi pa rin ito lumalayo o kahit ang iiwas man lamang ang tingin. Kaya naman pinilit ko rin ang sariling huwag ipahalatang naiilang ako sa aming posisyon.   “Sasagot ka na?” He nodded.   “Hindi mo na ako iisnobin?” He nodded again.   Bahagyang napanguso ako habang iniisip ang sasabihin at nakita ko rin ang mabilis na pagsulyap niya sa aking labi.   “Did you also know that… Vince is your…brother?” Mabilis ang pagtango niya.   “Kailan pa?”   “Recently. Noong araw na nagkasalubong tayo.”   Noong araw na una niya akong niligtas. Hindi ko na nasambit ang kasunod sanang katanungan dahil binigyan niya na ako ng sagot.   “That was the day that Clementine and I found out that he is his son. I grew up with my mom and my two brothers, that’s why I didn’t know that he had another son. And when I found out, I immediately rushed to you. If only I have known earlier, I could’ve taken you away sooner.”   Nangibabaw ang katahimikan pagkatapos ng sinabi niyang iyon. Pumagitna ang malakas na ihip ng hangin at tinangay nito ang aking buhok dahilan upang matabunan ang mukha ko. Siya ang naghawi ng mga hibla ng buhok ko para isabit ito pabalik sa aking tenga.   At siguro dahil ngayon ko lang siya natitigan nang ganito katagal kaya ngayon ko lang din napansin ang papatubo niyang balbas. I could imagine how rough they would feel on my palm if I touch it.   “You mean, it wasn’t a coincidence? Ang pagkikita natin doon at pagligtas mo sakin, hindi iyon basta nagkataon lang?” Tumango ito.   “Pinuntahan mo ba ako noong gabing iyon dahil sinabi ni papa? Niligtas mo ba ako dahil iyon ang gusto ni papa?”   Saglit niyang binaba ang tingin, tila nag-iisip. As I watch him licked his lower lip, I realized how I have gotten used to this narrow space between us. Nawawala na ang pagkakailang kong nararamdaman kanina.   “Huwag mo nang itanong kung bakit dahil hindi ko rin naman sasabihin.”   Napasimangot ako at muli naman niyang iniwas ang tingin nang gawin ko iyon. Bakit ba, ganoon na ba talaga kapangit ang mukha ko kapag sumisimangot?!   “Then just answer my question a while ago. Bakit ka pumayag sa hiningi ni papa na protektahan ako?”   For the whole time I’ve waited for his answer, he was only looking at my eyes. Deeply, directly, intently. Tipong nakikipag-usap sa aking mga mata, sinasabi rito ang sagot na hindi ko naman maintindihan kung ano nga ba.   “Dahil ba gusto mong makaganti kay Vince? O makaganti kay Senator?”   “Dahil gusto ko.” Diretsahan niyang sagot.   Muli, natigilan ako. But he doesn’t seem like he was shaken by his own answer. Seryoso ba siya? Hindi naman si Hendrix ang tipo ng taong mapagbiro. Pero bakit? Bakit niya gugustuhing gawin iyon kung ultimo pagtatanong ko palang ay nagpapainit na ng ulo niya?   “Ba-“   “Huwag mo na ulit tanungin kung bakit dahil hindi ko rin ulit sasagutin.”   Hindi na ako napasimangot. The one side of my lips only raised to show him my disbelief. Sumasagot nga siya ngunit hindi niya naman binibigyan ng tamang kasagutan ang aking mga tanong. Bakit ba kung gaano kabilis niya nabubura ang inis ko ay ganoong kabilis din niyang pinapasiklab ulit ito?   Mas nilapit ko ang mukha sa kanya at mapanghamon siyang tiningnan, “What will it cost you if you tell me the truth?”   Imbes na sumagot, bumagsak lamang ang mata niya sa aking labi. At sa gulat ko ay mas nilapit niya rin ang mukha. Sumubok akong umurong ngunit pinigilan ako ng kamay niyang nasa akin nang bewang.   “Will it cost you too if I don’t tell you the truth?”   Lumabas si papa mula sa pinto ng balkonahe at mabilis akong dumistansiya kay Hendrix. Hendrix, on the other hand, wasn’t even shaken. Ganoon pa rin ang posisyon, tanging ang ulo niya lang ang gumalaw upang tingnan kung sino ang dumating. He didn’t even remove his hand from my waist. Nanatili ito sa ganoong posisyon na tila ba hindi ito bago at nakasanayan na niya, na tila ba wala si papa at hindi nakatingin sa amin.   At ang mas nakakagulat pa ay hindi rin pinuna ni papa ang aming posisyon. Sumulyap lang ito at nagpatuloy sa paglalakad palapit sa mesa. Hindi nawaglit ang ngiting suot magmula nang makarating sa balkonahe.   Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya mula sa aking bewang at doon niya lang ulit naibalik ang tingin sa akin. Tiningnan niya ako na tila ba isang masamang bagay ang ginagawa ko.   “K-Kakain na tayo. ‘Yung k-kamay mo…Hendrix.” Sabi ko.   Hindi naman siya kumontra at umalis na rin sa harap ko. I moved closer to the table, tinuon na lamang ang atensyon sa paghahanda ni papa ng hapagkainan. Puro paborito kong pagkain ang nasa mesa. Sa dalawang araw ko ding hindi pagkain, sa wakas ay nakaramdam na ako ng gutom.   “Inamin ni Hendrix na hindi raw maganda ang pakikitungo niya sa’yo.”   Nawala ang pansin ko sa mga pagkain dahil sa sinabi ni papa. Nang tingnan ko ay mas lumapad ang ngiti nito.   “Madalas daw kayong mag-away at palagi ka raw niyang pinapaiyak.” Marahang natawa si papa.   Napatingin ako kay Hendrix na nakatayo sa pintuan ng balkonahe, may hawak-hawak na namang cellphone. Naririnig niya kaya ang sinasabi ni papa? Siguro hindi dahil wala naman itong nagiging reaksyon.   “Pa?”   “Hmm?”   “Bakit si Hendrix?”   Saglit na natigilan si papa sa tinanong ko. May gumuhit na ngiti sa labi nito at pagkatapos mailapag ang panghuling pares ng kubyertos ay tinuon niya ang buong atensyon sakin.   “Because I know that he is capable of protecting you.”   “How can you say that, Pa?”   Muli itong napangisi. A really proud smile, a proud smile that tells me that he can never be wrong.   “Hasn’t he proven it enough?”   And I was taken aback. Sa huli ay napangiti nalang din ako, dahil tama si papa.   “Pero paano ka, Pa? Who would protect you?”   “Real men don’t need protection, anak. They provide protection. And that’s what I’m doing, I will protect you too and our family.”   Bahagyang ginulo ni papa ang buhok ko.   “But real men sometimes need it, too. And when that happens, protect him too, Athena.”   Nilahad ni papa ang kanyang hinliliit, napahagikgik ako. Mula bata hanggang ngayon, sa tuwing may hinihiling na pabor si papa sakin ay ginagawa niya ito. Pinulupot ko ang sariling hinililiit doon.   “Promise.” Nakangiti kong sabi.   Nilingon niya si Hendrix kaya napatingin din ako at doon ko lang nalamang nakikinig pala ito. Naitago na niya ang cellphone at nasa amin na ang buong atensyon.   “What are you still doing there, iho? Let’s eat!” Sabi ni papa.   Tila gulat pa si Hendrix. Iniisip ba niyang tagabantay lang talaga ang parte niya rito? Nang hindi pa rin ito umaalis sa kinatatayuan ay ako na mismo ang lumapit para hilahin siya papunta sa upuang nasa tabi ko.   “I thought Papa told you that I don’t like eating alone?”   “You will eat with him.” Sagot niya.   “The more the merrier nga ‘di ba? Kaya maupo ka na dyan.” I giggled.   And as we started eating, telling stories and sharing laughters, I have forgotten about Vince, about our situation, about everything. That moment with them was the only thing that mattered. I didn’t care about anything else. I only cared about cherishing that time because no one knows when will be the next time for this to happen again.   I felt lighter than before. Siguro dahil ngayon alam ko na ang totoo, alam ko na ang pinagmulan ng nangyari, alam ko na ang rason sa likod nga mga nangyayari.   Kailangan kong magtago mula kay Vince, kailangan naming lumayo mula kay Vince at Senator. Hangga’t hindi pa naipapanalo ni papa ang kaso, hindi pa matatapos ang laban. Hangga’t hindi pa napagbabayaran ni Senator ang mga kasalanan, wala pang pupwedeng sumuko. Iyon lang ang tinatak ko sa isipan.   Ngunit sa kabila ng natuklasan kanina, may isa pa akong gustong malaman. Mukhang malabong malaman ko pa iyon pero gusto ko pa ring subukan. Gusto kong malaman ang lahat ng tungkol kay Hendrix. Ang pinagmumulan ng poot niya para sa ama at kapatid. Ang pinaghuhugutan niya ng galit kay Gavin. Ang mga sikretong tinatago niya. Ang trabaho niya. At kung bakit… pinili at ginusto niyang protektahan ako.   But today is just not the time for that. It took me days to find out what I’ve found out today. Maybe, it would take me even longer to find out everything about him. At magsisimula iyon ngayon, kung kalian makikilala ko si Hendrix nang buong-buo.   Nasa kalagitnaan pa kami ng pagkain nang dumating ang isang tauhan ni Hendrix. Hindi na niya kinailangan pang lumapit para bigyan namin ng pansin. Ang pagtayo ni Hendrix ay sapat na para matanto naming hindi maganda ang balitang dala ng tauhan niya.   Papa was very calm as he drank from his glass and wiped his mouth. Kalmado rin ito sa pagtayo at paglalakad papasok ng bahay. I, on the other hand, was only getting all the strength from gripping Hendrix’s hand. Nabibingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib, namamanhid na ang mga palad dahil sa panlalamig. Siguro si papa nasanay na, pero ako, sa tingin ko kahit ilang ulit ko pa itong maranasan, hinding-hindi ako masasanay sa takot na dala nito.   Nagmamadali kaming lumabas ng bahay. Isang larawan ang natabig ko at nabasag ito sa pagkakalaglag ngunit wala nang oras para matingnan ko pa iyon. Hendrix didn’t say a word, neither did papa nor I. Lahat kami tahimik at ang mabibilis na yabag lamang ang nag-iingay.   Tinakbo namin ang distansiya papunta sa highway kung saan nakaparada ang mga sasakyan. Ngunit hindi pa kami nangangalahati ay natanaw na naming ang mga magkakasunod na mga sasakyang papunta sa aming direksyon.   Narinig ko ang mahinang pagmura ni Hendrix. Kanina ko pa pigil-pigil ang mga luha, pati paghinga ay halos pigilan ko na rin. Pero ngayon, mukhang nawalan na ako ng lakas para patuloy pa itong pigilan. As we head back to the direction of the house, my tears rhymed with our hurried steps.   Hendrix stopped from running. Tila may bigla itong natanto. Nilibot nito ang tingin sa mga tauhang nakapaligid sa amin. Kahit ako ay pinaghilakbutan sa pagtitig niyang iyon. Ah~ Now I know how he was able to tame all of them. If they were a pride of lions, he wouldn’t be called a king, he would be a god.   “Take off your clothes!” Maiksi ngunit punong-puno ng awtoridad, hindi ganoon kabagsik subalit tila nagbabantang papatayin niya ang kahit na sinong susuway sa kaniyang utos.   Agarang sinunod ng mga tauhan niya ang sinabi. All of them took off their clothes and showed their back to us. Halos umawang ang bibig ko nang makita ang malaking itim na crescent tattoo sa kanilang likod. Maliban sa isa.   Napakabilis ng mga nangyayari at huli na nang mapansin kong nakatutok na ang baril ni Hendrix sa nag-iisang taong hindi naghubad ng damit.   Ngunit bago ko pa man marinig ang tunog ng pagputok ng baril, hinila na ako ni Hendrix para ikulong sa kanyang bisig. Instead of the deafening sound of the gun, I listened to his heartbeat. Sure, his heartbeat is no match to the gun. But strangely, I became less scared.   “Close your eyes.” He whispered. At nang pumikit, dalawang sunod na putok ang narinig.   No one said a word but I realized that the man he killed was a traitor. And traitors deserve to be punished. And Hendrix chose death to be his punishment.   At ang parteng ito ng pagkatao niya, ang madilim na parte ng pagkatao ni Hendrix, dito ako dapat magsimula upang makilala siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD