Happiness is short-lived. Tatawa at ngingiti sa maikling sandali at pagkatapos balik na ulit sa reyalidad. How long has it been since happiness became a limited edition? Sa bawat araw na lumilipas, papaikli nang papaikli na ang oras nang pagiging masaya.
Wala nang sinayang na sandali si Hendrix at pagkatapos na pagkatapos ng nangyari ay hinila na niya ako para tumakbo ulit. Isang tao na naman ang binawian ng buhay ng kamay na ito. Ngunit hindi ako nakaramdam ng pandidiri, hindi ako naasiwa dahil hawak ako ng kamay na pumapatay. Sa halip ay mas hinigpitan ko ang hawak dito at napalingon naman siya sakin nang gawin ko iyon.
Tumakbo kami papunta sa kabilang direksyon ng dagat. Nakita ko naman ang pagsunod sa amin ng mga sasakyan sa highway. Ang iba ay nakalabas ang kalahating katawan sa bintana para paputukan kami ng baril. Walang sapat na salita para mailarawan ang takot ko nang mga oras na iyon. Hinanap ko si papa at mas lalo lamang lumala ang takot ko nang hindi siya makita.
“Hendrix! S-Si papa… si papa Hendrix!” I cried.
Nang hindi ako nito pinansin ay hinila ko ang kamay para pahintuin siya sa pagtakbo. Agad kong nakitaan ng pagkairita ang mukha niya nang ginawa iyon.
“Nasaan si papa?”
Bumuntong hininga ito bago muling kinuha ang kamay ko. Akala ko ay muli niya lamang na iignorahin ang aking tanong ngunit lumingon ito sa bahay na ngayo’y malayo na sa amin. At doon, nakita ko si papa nakatayo pa rin habang tinatanaw kami. Kumaway ito na tila sinasabing magiging maayos lamang siya. Sinulyapan ko ang mga sasakyan sa highway at dahil nasa amin lahat ng atensyon nila ay wala sa kanila ang nakapansin kay papa na naroroon pa rin.
“You said you’re frustrated because you can’t do anything to help Clementine or anyone. This is your chance, Athena. Help us, help your father and continue running.”
Kinagat ko ang loob ng pisngi para pigilan ang paghikbi bago muling nilingon si papa. Natanaw ko naman ang lalaking kasama nito. He was looking at us too. And knowing that it is him who is with my father, I was relieved. Take care of him, Gavin!
Tumango ako at ako pa mismo ang humila kay Hendrix para magpatuloy sa pagtakbo. Habang nakikipagkarerahan sa kanilang mga sasakyan at mga bala ng baril, nakarinig ako ng maiinay na tunog mula sa tubig. Kahit papaano ay nabawasan ang aking kaba ng matanaw ko ang mga motor boats na paparating sa aming direksyon. Malayo man ay nakilala ko ang mga nagmamaneho niyon.
Hendrix signalled everyone to go in the water. Hinila niya rin ako at ngayon nama’y sa alon na kami nakikipagkompetensiya. Tumigil na noon ang mga sasakyan at nagsibabaan ang mga sakay nito. Kailangan naming bilisan bago pa nila kami maabutan ngunit kumpara sa tikas ng mga katawan nina Hendirx na napakadaling nalalabanan ang lakas ng alon, ako hindi.
Kami ang pinakanahuhuli ni Hendrix. Matiyaga niya naman akong hinihintay, mahigpit na hinahawakan para hindi maanod ng tubig at hinihila pataas sa tuwing bumibigay ang tuhod. Sinubukan kong kalasin ang kamay sa hawak niya.
“Mauna ka na Hendrix. Pinapabagal lang kita.”
He didn’t look annoyed a while ago. Naging iritado lamang ito dahil sa sinabi ko.
“Would you get mad if I touch you?”
Natameme ako sa tinanong niya. Hindi pa ba ‘touch’ ang tawag sa paghawak niya ng kamay ko? Tumingin ito sa likuran ko at marahas na napabuga ng hangin.
“Just get mad to me later. We don’t have time now.” Anas niya at bigla-bigla nalang ay binuhat ako.
Hindi ako nakaalma dahil sa gulat. Mahigpit akong napakapit sa kanyang leegan at ganoon din kahigpit ang pagkakahawak niya sa aking bewang at mga hita. So this is what he meant for ‘touch’.
“Hindi naman ako magagalit. S-Salamat.” Wika ko.
Mabilis kaming nakahabol sa mga nauuna. Kahit na buhat-buhat na niya ako, napakadali niya pa ring naigalaw ang mga binti sa ilalim ng tubig. Sumakay kami sa motor boat na minamaneho ni Luke. Napansin ko ring ang motor boat lamang na sinasakyan namin ang kami lang ang sakay, ang iba ay iilan silang sakay ng motor boat.
Nang ilapag ako ni Hendrix ay sinalubong ako ng isang hoodie ni Luke.
“Here, nirequest ni bossing.” Mahina pa muna itong tumawa bago bumalik sa kaninang pwesto.
Nang makasakay na si Hendrix ay agad nang humarurot ang motor boat sa tubig. Mahigpit akong napakapit sa inuupuan dahil sa bilis at pagtalbog ng motor boat. Halos manginig ako sa ginaw noon ngunit hindi ko naman maisuot ang hoodie dahil baka mawalan lamang ako ng balance sa kinauupuan. Ngunit ilang saglit lang ay tumabi sakin si Hendrix at nagulat na lamang ako nang yakapin ng isang kamay niya ang aking bewang.
“Put that on, I’ll hold you.” Sabi niya.
Ilang beses pa muna akong napatitig sa kanya bago maang na napatango at sinunod ang sinabi niya. Matapos iyon isuot ay tinanggal niya rin agad ang kamay. Lumingon ito sa pampang at iyon din ang aking ginawa. Tumigil na ang mga humahabol at hindi na sumubok na sumulong sa tubig. They just watched us escape.
Napatingin naman ako sa bahay. Wala nang tao roon, wala na si papa at si Gavin. Siguro nakaalis na, siguro kagaya ko ay ligtas na rin. Siguro sa sandaling iyon lamang napanatag nang lubusan ang aking kalooban. Parang kay tagal kong pinigilan ang paghinga dahil sa luwag na nararamdaman na ngayon.
Bumagal na ang takbo ng motor boat. At hindi ko namalayan ang pagbagsak ng aking ulo sa balikat ni Hendrix. Sa halip na lumayo ay napangiti na lamang ako sa sarili nang matanto iyon.
“Thank you… Thank you.” Bulong ko.
Hindi ko alam kung narinig niya ba iyon dahil sa ingay ng motor boat. Ngunit gumapang ang kamay niya papunta sa aking bewang, hinihila ako padikit pa lalo sa kanya. Inangat ko ang tingin sa kanya dahil doon at nakitang diretso lang naman ang tingin niya sa harapan. Sa huli ay ang pagngiti nalang din ang muli kong nagawa.