Kabanata 11.5

1337 Words
Hindi ganoong katagal ang lumipas bago dumaong ang sinasakyan naming motor boat sa pampang. Kami lamang ang pumunta roon at tumungo naman sa ibang direksyon ang iba. Panatag ang loob kong bumaba dahil hindi tanaw ang highway mula rito. Maliban sa mga kapunuang pumapaligid sa buong tabing-dagat ay ang nag-iisang kubo lamang ang nakatayo roon.   “Lilipat na naman ba tayo?” Naitanong ko kay Hendrix nang pareho na kaming nakababa sa lupa.   “We will just stay here for tonight, babalik din tayo bukas.”   Nilingon ko ang papalayong motor boat at natanaw si Luke na kumakaway. Ngumiti ako at kumaway din pabalik. At ang kamay na kinakaway ko sa ere ay agad namang kinuha ni Hendrix tsaka ako hinila papalapit sa kubong nakita ko kanina.   “Then what are we gonna do here?” I asked again.   May terasa ang kubo at iyon lamang ang natatanging gawa sa semento. Pinaupo niya ako sa sementong barandilya at wala man lang paabisong hinubad ang kanyang damit. Mabilis kong niyuko ang ulo ngunit hindi pa rin nawala sa aking paningin ang hubad niyang pang-itaas dahil lumuhod naman ito ngayon sa aking harapan.   Kinuha niya ang paa kong nababalutan ng buhangin at sinimulang linisin gamit ng kaniyang damit, “Hendrix, huwag na.” Sinubukan ko itong bawiin ngunit ayaw niyang pumayag.   “Hendrix, damit mo ’yan eh.”   Pinagpatuloy lamang nito ang ginagawa na pawang hindi ako naririnig. Kalaunan ay hinayaan ko na lamang siya, hindi ko na rin napansing nakangiti na pala ako habang pinapanood siya sa kaniyang ginagawa.   Maybe this is what makes Hendrix interesting. This is what makes me want to know him more. Kasi kahit na napakagaspang ng mga salita at minsan ng kaniyang mga kilos na ipinapakita sakin, may lugar pa rin ang kabutihan sa kanya.   Lumingon ako sa bahay at sumilip mula sa nakabukas na bintana. Walang sinyales ng tao sa loob.   “Bakit tayo lang ang pumunta rito?”   “We’re still not sure what can happen, Athena. We’re still trying to find out if Vince already knows that location. That’s why we will stay here for the mean time.” Tumango ako.      “Si papa, saan na ngayon siya pupunta?”   “We’ve prepared several private locations for him. And he’s heading to one of those places now.”   Inangat nito ang tingin sakin at ewan ko ba kung bakit bigla akong nailang. Siguro dahil sa nakahubad siya o baka rin dahil kakaiba ang paraan ng pagtingala niya sakin.   “It will be just the two of us here, would that be okay? Kung hindi ka kumportable, pwede naman tayong pumunta sa lugar na mas maraming tao.”   Nag-init ang aking mga pisngi sa sinabi niya. Alam ko namang kami lang ang tao rito, dapat niya pa ba talagang sabihin iyon? Natatanaw niya na kaya ang pamumula ng aking mukha? Kung oo sana huwag niya na ring sabihin pa dahil pakiramdam ko sasabog na ako.   “T-Tayo lang namang dalawa…kahit…n-na roon sa kwarto mo.”   Natakot akong makita ang reaksyon niya kaya binaling ko sa gilid ang tingin.   “Masyado kang mabait ngayon, baka masanay ako, Hendrix.” Bulong ko.   Hindi ko muling tiningnan ang reaksyon niya. Gayunpama’y naramdaman kong tila napadiin ang hawak niya sa aking binti.   “Mas gusto mo ba iyong masungit?” Mabilis akong napabaling sa kaniya at umiling.   “Palagi ka nalang kasing nagagalit sa akin. Hindi mo ako pinapansin.”   Tumayo ito at hindi ko pinutol ang titig sa mukha niya. Maybe that was just my excuse for avoiding the sight of his body. Nevertheless, I just want him to know that I really want to hear his answer to my accusations.   Ngunit pagtitig lang din pabalik ang ginawa niya. Imbes na bigyang tugon ang sinabi ko ay pumunta lamang ito sa mababang shoe rack na nasa gilid ng pintuan ng bahay at kinuha ang isang pares ng pambahay na tsinelas. Dinala niya ito sakin at siya rin mismo ang nagsuot nito sa aking mga paa.   “You go inside first. Susunod ako.” Sabi niya lang at inabot sakin ang susi.   Tumango ako at kinuha iyon para mabuksan ang pinto. Ang disenyo sa loob ng bahay na ito na siguro ang pinakasimpleng nakita ko. Simple pero maganda. Napangiti ako nang makita ang kabuuan ng bahay. Tatlong magkakatabing mga pinto lamang ang nandito, konektado rin halos ang sala at kusina. Napakasimple pero ito rin ang klase ng bahay na kahit sino ay gugustuhin pa ring tirahan.   Pumapasok ang malamig at malinis na hanging nagmumula sa dagat. Hinubad ko ang hoodie para matuyo ang aking damit sa loob. At habang ginagawa iyon ay nakaramdam naman ako ng panghihila pababa ng damit ko na tila nagpupumilit takpan ang aking tyan. Nakita ko si Hendrix na nasa gilid ko na pala at pinapanood ako.   Hinila niya ako papunta sa isa sa tatlong pinto. Napangiti ulit ako nang makapasok at makita ang kabuuan ng kwartong iyon. Mas maliit pa sa kalahati ng kwarto ni Hendrix kung tutuusin ngunit nagustuhan ko pa rin. May malaking bintana sa gilid ng kama at tanaw din doon ang dagat.   “You’ll sleep here tonight.”   Tiningnan ko siya at humanga ako sa kung papaano naging mas maliit bigla ang kwarto. Halos maabot na ng ulo nito ang kisame, parang ang kitid din ng pintuan kung tingnan sa likuran niya, at mas lalo na ang kama, siguradong lalampas ang mga binti niya rito.   “Ikaw? Saan ka matutulog?”   “I’ll sleep in the sofa.” Agad akong umiling.   “Ikaw na rito. Mas magiging kumportable ka rito. Tsaka sanay naman akong matulog sa sofa.”   Sa halip na sumagot ay tumungo lang ito sa isang cabinet. Humila ng isang twalya at isang t-shirt, pagkatapos ay inabot sa akin.   “The bathroom is just nextdoor.” Iyon lang at iniwan na niya ako.   Dala siguro ng kagustuhang magpahinga kaya agad din akong naligo. Doon lang mas luminaw ang bigat ng pakiramdam ko, parang nangangalay ang aking mga binti na siguro ay dulot ng pagtakbo kanina, at siguro kaya tila iisang pitik nalang at matutumba na ako ay dahil din sa matinding takot na yumanig sa katawan ko kanina.   Mabilis akong natapos ngunit hindi ako agad nakalabas ng banyo. Hindi ko kaya. Ang tanging bagay lang siguro na hindi ko nagustuhan sa bahay na ito ay ang pagkawala ng washing machine. Halos manlumo ako habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Dahil walang washing machine, hindi ko malalabhan at matutuyo ang aking mga panloob. And now I am only wearing this oversized shirt, with my breast and n*****s protruding, without wearing any panty.   Humawak ako sa doorknob ngunit agad ding binawi ang kamay. Anong sasabihin ko? Paano ko siya haharapin nang ganito ang itsura? Dadalawa lang kami sa bahay na ito, hindi ba mas magiging nakakailang iyon?!   Pero alangan namang magmukmok ako rito hanggang bukas? Sumilip ako sa labas, hindi ko siya nakita sa kahit na saang parte sa loob ng bahay. Sa terasa, roon nakita ko siyang nakatayo. Nakatanaw ito sa dagat, tititigan at hahayaan ko nalang sana ito kung hindi ko lang nahagip ng tingin ang usok na tila nanggagaling sa kanya.   Mistulang umusok ang ilong ko nang makita iyon. I just hate the smell of cigarette and I especially don’t want to smell it from him. Nagmartsa ako papunta sa kanya at walang pagdadalawang-isip na inagaw ang sigarilyo sa kamay niya tsaka ito tinapon sa buhangin.   “If you want to smoke, do it if Im not around!”   Inasahan kong makikipagtalo ito sakin kagaya noong unang beses ko siyang sinaway. Ngunit bumagsak lamang ang kaniyang tingin sa parte ng aking dibdib at mabilis na napaiwas. Namula ang tenga niya at ang pisngi ko naman ay siguro naging kasing pula rin niyon.   Niyakap ko ang sarili, “Kasalanan mo ‘to! Dinala-dala mo ako rito nang wala man lang bitbit na pamalit.”   At dahil sa sobrang pagkakapahiya ay nagmartsa na ako ulit pabalik sa loob ng bahay. Tumungo sa kwartong pinagdalhan niya sa akin at doon nagkulong. Binaon ko ang mukha sa unan at doon nagsisisigaw.   It was only a little while until my embarrassment went down. Parang isang baliw na ulit na napapangiti habang nakatitig sa bughaw na kalangitan mula sa bintana. Kung para saan o para kanino ang pagngiting ito, hindi ko alam. What I only remember was that, I fell asleep with a smile on my face. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD