Thunders. Ang panginginig ng katawan dulot ng ginaw ay nagpagising sa akin. Thunders, the sound of lightning, the crackling of the heavy rain on the nipa roof. Tila nararamdaman ko rin sa aking balata ng malamig na mga butyl ng tubig ulan.
Hindi ako nagmulat at iniwas lamang ang mukha mula sa tila pagwisik ng tubig sa akin ngunit hindi ito huminto. The ruthless wind blew even harsher. Mas nakakapangyelong ginaw, pawing tinatangay ako paurong sa kama, nililipad ang bawat hibla ng aking buhok at pati kama ay animo’y gusto rin paalisin sa kinatatayuan nito.
“Hendrix…” I called.
Ngunit napakahina ng aking boses kumpara sa dumadagundong na tunog ng kulog at kidlat. Nang buksan ang mata ay agad din akong napapikit muli dahil sa mga pagpatak ng tubig sa aking mukha. It was already dark outside. It was really dark and raining. Sa tuwing kumikidlat doon lamang nagkakailaw sa labas, doon lamang mahahagilap ang mga nasa paligid, ang nasal abas ng bintana.
Bumangon ako at ang unang ginawa ay ang hanapin si Hendrix ngunit nag-iisa lamang ako sa kwarto. Binaling ko ang tingin sa nakabukas na bintana sa gilid ng kamang kinaroroonan. Pumapasok pa rin ang tubig ulan at kahit ako ay basang-basa na subalit hindi ko magawang alisin ang tingin sa kadilimang bumabalot sa labas.
Parang may nakikita akong gumagalaw, parang may naaaninag akong pigura ng isang tao. Mas pinokus ko pa ang tingin, sinasanay ang mga mata sa dilim. When another lightining striked, it illuminated the whole place. And right in front of the window, a man was standing, staring down at me with a evil grin on his lips. It was vince.
Agad akong napabangon at hinahabol ang hininga. Hindi naman tumakbo ngunit kinakapos ng hininga. Natataranta kong inikot ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Wala si Hendrix, madilim, ngunit hindi ako basa, walang tubig ulan na pumapasok, walang maingay na kulog at kidlat sa labas. Nilingon ko ang bintana at nakitang nakabukas ito kagaya ng nasa aking panaginip. Madilim din sa labas at pagtitig doon ay nagbigay kaagad ng takot at kaba sa akin.
Minadali koi tong sinarado at pagkatapos ay tumalon paalis sa kama. Binuksan ang pinto ng kwarto at dumiretso sa sala. Hinanap ang pangalang tinawag ko sa panginip, hinanap ang nag-iisang taong nagagawang alisin ang aking takot sa napakaikling panahon.
When I saw him lying on a mattress on the floor in the sala, I didn’t wast anymore seconds and rand towards him. Siguro nagulat ito, siguro nagising koi to nang bigla na lamang akong tumabi sa kanya at yumakap. Hindi rin napatagal bago niya inalo ang aking likuran.
“Bad dream?” His husky voice reached my ear.
Napatango ako. Pangalawang beses na ito. At kahit kalian ay hindi ako masasanay na makita siya sa panaginip ko.
“It felt so real. Nasa bintana raw siya, nakatingin sakin at nakangiti.”
Mas napahigpit ang hawak ko sa kanyang leeg. Hindi na naisip kung paanong nakadagan ako sa kanya. Nabibigatan kaya siya sakin? It doesn’t matter. Ayokong umalis, ayokong lumayo. Natatakot ako kapag hindi siya nakiktia. I wonder what he did that I can no longer feel safe if it’s not with him.
“Paano kung nasundan niya tayo rito? Paano kung nasal abas nga talaga siya? Hendrix natatakot ako—“
“Shh…” Sa isang iglap natahimik ako, “That’s not ginna happen.”
Umahon ito at inalalayan naman ako sa aking likod para pahigain sa gilid niya. It was dark, there wasn’t even a bit of light in the whole house. Tanging iyong nanggagaling lamang sa labas na gawa ng liwanag ng buwan. Ngunit sa aking mga mata, nagging napakalinaw ng mukha ni Hendrix, nagmistulang bituin ang kanyang mga mata sa madilim na kawalang aming kinasasadlakan.
Hindi pa ito lumayo at habang nakatitig sa akina y itinukod ang kanyang braso sa gilid ng ulo ko.
“It’s about time for dinner. I’m sorry I fell asleep. May gusto ka bang kainin?”
I only stared at him. Walang planong sumagot. Nagbuntong hininga ito at umambang aalis na ngunit pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghihila ng damit niya.
“Dito ka lang.”
Marahan nitong tinanggal ang kamay ko sa damit niya. Ang akala ko ay iwawaksi niya lang ito nang makabangon na siya ngunit hinawakan niya ito. Hinimas ang hinalalaki sa likod ng aking palad, tila pinapatahan kahit wala naming luha.
“Athena, that is a dream and I am real. If you understand that, there’s nothing to be scared about anymore.”
Tinakwil ko ang kamay niya para muling ibalik ang aking kamay sa paghihila ng kaniyang damit.
“Dito ka lang kasi.”
Sandal pa itong napatitig sa tila iritado at nagmamakaawa kong mukha. At sa huli ay bigo na lamang itong napabuntong hininga ulit, tanda ng kaniyang pagsuko.
“Hindi naman ako aalis. I’ll just make dinner.”
“Sasama ako.”
He looked at me like what I’ve said was already decided to begin with. Muli niyang kinuha ang kamay ko at inalalayan akong makabangon. Dahil sa dilim ng paligid, hindi kailanman ako nagdalawang-isip na yakapin siya sa braso. For me this is my haven, this is the place where no one can ever harm me, this is my place and because I’ve decided to own this place, not even Hendrix can tell me to let go.
Binuksan niya ang ilaw sa buong bahay at bahagyang nasilaw pa ako. Tumungo kami sa kusina. Hindi ako bumitaw kahit na saan siya pumunta, hindi rin naman siya nagrereklamo kaya mas lalo akong nawalan ng balak na bumitaw.