Ngayon ay si Jason naman ang nagbaba ng kaniyang bote ng alak. Itinukod nito ang mga siko sa hita at yumuko para pagmasdan ang apoy sa gitna. May tipid na ngiti sa labi nito na para bang nakikita sa sumasayaw na apoy ang alaalang nasa isip. “Noong umalis si Hendrix at Gavin sa puder niya, kumupkop siya ng mga binatang sasanayin at papalakihin niya upang magpatuloy ng mafia niya.” “At kayo ‘yon?” Mapait ang ngiti nito nang tumango sakin. “There were originally ten of us. The four died in the process and only the six of us remained. Alam mo, noong araw na inilabas niya kami sa bahay-ampunan, hindi masukat ang saya namin. But when he brought us to his mansion, I could only stare to the closing gates, I could only bite my tongue to stop myself from crying.” Nalipat ang tingin