“Matulog ka na. Ako na ang bahala sa kanila.” Mabilis akong napalingon nang marinig ang nagsalita. Nakita ko si Gavin na naglalakad na palapit sa akin. Habang nakangiti ay hindi niya inalis ang tingin sakin. Luminga ako sa likuran niya para magbakasakaling makita rin si Hendrix ngunit tanging siya lamang ang dumating. He is still in his corporate attire with the first three buttons of his long sleeves already open. Nakapamulsa ito habang sinusuklay gamit ng mga daliri ang ngayo’y magulo niya nang buhok. “Galing kang trabaho, Gavin?” Ginantihan ko siya ng ngiti. Tumango ito. “Hindi kayo magkasama ni Hendrix?” Tanong ko ulit nang maabot na niya ako. “Hmm… no. Hindi pa ba siya nakakauwi?” “Sabi niya gagabihin daw siya.” Patango-tango ito habang tinitingnan na ang m