Proud Kanina pa ako nagising ngunit hanggang ngayon ay nasa higaan pa rin. I have never shared a bed with a man before, not even with Vince. Pero ang matulog nang si Hendrix ang katabi at magising sa umagang siya rin ang unang nakikita, wala itong ibang dinadala sa puso ko kundi saya. Maybe we’ve slept together a lot of times before too that’s why this feels all natural to me. Or maybe he is just the safest place for me that’s why no matter what he does and what I do with him, I always feel comfortable. Pumapasok na sa bintana ang liwanag na nagmumula sa labas. Nakatagilid ako ng higa para makita siya at mas dinepina ng liwanag na ito ang detalye ng kaniyang mukha na kanina ko pa tinititigan Para hindi ito masilaw, hinarangan ko ang liwanag na tumatama sa kaniyang nakapikit na mata