I haven’t baked with a lot of audience before. Dati, sina papa, mama o si ate lang ang nanonood sakin. I haven’t baked for anyone too before aside from my family. But right now, all six of them are attentively watching me. Nakaluhod ako sa upuan habang pinapaliwanag ang mga ginagawa ko. Nakaupo naman sila palibot sakin na parang mga estudyante gustong-gustong matuto. Si Karl na siyang pinakamalapit sakin ay itinali ang kaniyang mahabang buhok. Unang beses ko itong nakitang ganito kaya ngayon ko lang din nakita ang black crescent tattoo niya na kagaya din ng tattoo ni Hendrix, ngunit ang kay Karl ay nasa kaniyang batok. “Lahat ba kayo may ganiyang tattoo?” I asked. Napahawak si Karl doon na tila pinapakiramdaman ang tattoo niya, “Oo. Pero kaming naririto, kami ang mismong pum