Nagpilit ako ng isang ngiti. Halos manginig man ang aking mga labi nang mga sandaling iyon, pinilit ko itong hilahin upang makangiti pa rin. Baka naman mali ang iniisip ko. Baka naman kabaliktaran ng nasa isipan ko ngayon ang dahilan kung bakit siya nandito. Baka binilin lang ni Hendrix na bantayan niya ako rito. O baka may kailangan lang siya kaya siya nandito. Iyon ang mga pinili kong pairalin sa utak ko kahit na lahat na ay nagtuturo sa kabaliktaran ng mga iyon. “S-Si Hendrix ba ang sadya mo? H-Hindi pa siya nakakauwi…kung…kung g-gusto mo tatawagan ko na lang-” Nabitin ang aking mga salita at awtomatikong nanigas na lamang sa ere ang kamay kong aabutin sana ang cellphone ko sa may bedside table. Wala ito roon. Binalikan ko siya ng tingin at sa gulat ko’y hawak niya sa