Kabanata 2

1727 Words
Abduct   He can hold me but he can’t hold ‘us’. Ang mga nagnanasang mata niya kagabi ay hindi pa rin maalis sa aking isipan. Ang pagdampi ng kanyang kamay sa aking balat ay tila dama ko pa rin hanggang ngayon. His voice, his moans, the texture of his hand, the heat of his body, the wicked grin on his lips. They were all making me crazy.   Malakas kong inapakan ang preno ng minamanehong sasakyan at dahil hindi suot ang seatbelt ay halos mabunggo ako sa manibela. I was catching my breath, suddenly it felt hot, it felt suffocating and I can’t breathe.   Napaangat ako ng tingin nang mahagip sa side mirror ang paparating na na sasakyan mula sa aking likuran. Isa na namang pagtulo ng luha, panibagong pagtagaktak ng malamig na pawis. Nanginginig ang mga binti kong pinakawalan ang preno, nanginginig ang mga kamay at daliri ko habang pinapaikot ang manibela.   May isang oras nang paghahabulan ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring takas. I can’t seem to get away, he can’t seem to get lost.   My own house isn’t my home anymore. Sa tuwing tinititigan ko ang malaking salaming pinto ng veranda sa aking kwarto ay ang imahe ni Vince na nakatayo sa labas lamang ang tumatatak sa isipan ko. I thought that escaping from that place which I once called my home would end everything but there is always someone who seems to be watching my every move. I cannot get away, I can never walk on my own again.   Vince is always watching.   Sa muli kong pagtingin sa side mirror ay dalawang kotse na ang sumusunod sa aking likuran, ang isa ay hindi ko kilala. Tila nakikipagkarera rin ito sa sasakyan ni Vince, sinusubukan siyang lamangan. Binalot ako ng pagkagulumihan nang makitang harangan nito ang kotse ni Vince. I only watched them from the rear mirror. Wala akong ideya sa nangyayari subalit hindi ko na inaksaya ang pagkakataong iyon upang makalayo.   Sa pagliko ko ng sasakyan isa pang humaharurot na sasakyan ang aking nakasalubong, papunta sa aking pinanggalingan. Sila pa lamang ang sasakyang nakita ko magmula nang makalabas sa syudad. Wala na akong ideya kung nasaan na ako, all that mattered to me was to get away.   Isa na namang sasakyan ang aking nakasalubong. Akala ko ay didiretso lamang ito subalit ng malampasan ako ay agad din nitong niliko ang sasakyan upang sumunod sa aking likuran. My heart raced with me. Habang walang tigil sa pag-agos ang mga luha at panginginig ng mga daliri, my desire to escape grew bigger.   Ngunit ang inaasahang tagumpay ay hindi ko nakamit. Tatlong panibagong mga sasakyan na naman ang naghihintay sa gitna ng kalsada. All lights were pointed at me as if they were all waiting for my arrival. Dalawang mga malalaking lalaki ang nakatayo sa harapan ng dalawang sasakyan sa magkabilang gilid samantalang isang pamilyar na pigura naman ang nakatayo sa harap ng sasakyang kapantay ko.   Lumingon ako at nakitang naroroon pa rin ang sumusunod. I didn’t have a choice but to stop the car. I was scared of what might happen if I continue but half of me just wants to know why this man looks so familiar.   Nagsimula itong maglakad palapit sa aking sasakyan. Hindi masyadong malinaw ang mukha nito ngunit napakalinaw ng katawan niyang nakakapanghinang tignan, with just plain white shirt, maong pants and shoes that seemed to be a low cut leather boots.   Nang marating nito ang bintana sa gilid ko, hindi ako makagalaw o kahit ang balingan man lang siya ng tingin. He knocked on my window. At mula sa gilid ng mata ay nahagip ko ang umiigting na mga ugat sa kanyang kamay. Hindi ko siya makita, sa tangkad niya ay ang bakat niyang dibdib lamang ang tanaw sa bintana.   He knocked again.   I unlocked my door pero wala pa rin akong lakas upang buksan ito. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko, basa pa rin ang mukha ng luha, maingay pa rin ang dibdib. Sa unti-unting pagbubukas niya ng pinto ay ang pagpikit na lamang ang nagawa ko. I can’t escape anyway, so what’s the point of even confining myself here inside?   Nang madama na ang pagpasok ng malamig na hangin mula sa labas, hindi ko pa rin magawang magmulat. I could only pray and wait. Subalit ang pag-ihip ng hangin sa loob ng sasakyan ay nagdala ng pamilyar na pabango. Parang awtomatik na tumigil ang kaba sa aking puso nang makilala iyon.   Ngunit bago pa man makumpirma ang hinala ay isang magaspang na palad na ang bumalot sa aking palapulsuhan, hinihila ako para makababa. Sa tuluyan kong pagmulat ay nasa harapan ko na ang lalaking iyon, sumusunod sa malapad niyang likuran, nilalandas ang bakas ng kanyang malalaking yapak.   Nakaramdam ako ng malamig na likidong pumatak sa tuktok ng aking ulo. When I looked up, only then did I realize how dark that night was. Walang ni isang bituin, walang kahit anong liwanag sa kalangitan. Dumadami ang pagpatak. Lumalakas ang tunog ng pagpatak nito. Hanggang sa ang kabuuan ko’y sing basa at lamig na rin ng tubig na iyon.   My knees felt all weak, my body trembled. Kumukupas na ang takot sa aking dibdib, kahit na napapalibutan ng hindi kilalang mga lalaki, hindi ko pa rin naiwasang mapalagay. Because if I was right, that if I could touch that man from last night again I would surely know it is him. And just like last night, before my weak body could ever kiss the ground he caught me.   ~*~   It was still dark when I woke up. Madilim na silid. Napakurap ako. Malambot na kama. Muli akong napakurap. Malamig na silid. Sunod-sunod na napakurap. Ang pamilyar na pabangong iyon pa rin ang lumulutang sa hangin.   Basa pa rin ang aking damit, hindi pa siguro ganoon kahaba ang dumaang oras simula nang mawalan ako ng malay. Sa pagbangon ko ay una kong napansin ang malaking salaming bintana sa gilid ng kama. Iyon lamang ang tanging nagbibigay liwanag. Everything else in the room is the dark.   “Athena.”   Halos mapatalon ako sa gulat sa nagsalita. Madilim ang buong silid kaya hindi ko alam kung may iba pang naririto o baka guni-guni ko lang iyon. Gumapang ako papunta sa dulo ng kama upang mas makita sa malapitan ang dilim na bumabalot sa kabilang dako ng kwarto. At muli ko na namang nakita ang pamilyar na pigura, nakasandal sa pader, kahit na madilim ay sigurado akong nasa akin ang tingin.   “Kilala mo ako?” I asked.   Ang papalapit niyang yabag ang sumagot sa akin. Nakakapagtaka dahil walang ni katiting na takot na namuo sa dibdib ko. Naghintay lamang akong marating nito ang kinaroroonan ko, nahihintay na sa wakas ay makita na kung sino nga ang taong ito.   “Ikaw din yung kahapon, ‘di ba? You are that man. I know it’s you!”   The light coming from the window illuminated his whole body. But not his face. Mas umurong ako sa dulo ng kama para sanayin ang paningin sa dilim at makita ang mukha niya.   “Tell me. It’s you, right?”   Wala na namang sagot. At sa halip, isang bagay ang hinagis niya sa kama sa gilid ko. Isang cellphone. At pagkatapos niyon ay nagsimula na siyang tumungo sa pinto.   “Sandali.”   He stopped but he didn’t look back.   “Anong gagawin ko sa cellphone na ‘to? Saan ka pupunta? Bakit mo ako iiwan dito? Bakit mo ako dinala rito?”   When a beast is pissed, it reveals itself. At napatunayan ko iyon nang bumalik siya ng lakad palapit sakin, mas napatunayan ko lamang iyon nang sa wakas ay nagpakita na siya sakin. Ang words can’t even explain how I feel right now. It is worse than fear, worse than hatred, worse than anything.   Hindi ko naigalaw ang katawan, only my eyes followed him as he lowered himself in front of me. His eyes are murderous, the sharp edges of his jaw told me how he can hurt me by just simply moving it. At sa paglapag niya nang mabibigat na kamay sa magkabilang gilid ng aking hita, I knew then I wasn’t saved at all.   “Didn’t you want to be saved? Weren’t young running and crying for your life last night?”   Ang kanyang boses ay mas lalo lamang nagpasikip sa dibdib ko. I wonder how am I still alive when I wasn’t breathing at all. Makakapigil hininga ang bawat pagbuka ng bibig niya.   Nang hindi ako nakapagsalita ay mas lumalim ang kanyang titig, mas lumaki ang takot kong kumurap o kahit iiwas man lang ang titig sa kanya.   “Why don’t you answer?”   Dinala niya ang kamay sa aking mukha at ang pagdampi ng magaspang at malaki niyang palad sa aking pisngi ay halos nagpanginig sakin. He did it again, just like last night. Four fingers caressing my cold nape and his thumb on my lips.   Mas diniin niya ang hinlalaki sa aking ibabang labi, tila hinihila ito pababa, pinipilit buksan ko ang bibig.   “Why don’t you open this noisy mouth of yours, huh?”   Ginamit ko ang pagkakataong nasa labi ko pa ang tingin niya at sasampalin sana ito subalit mabilis din niyang nahuli ang kamay ko. Tiningnan niya ito at hinimas ang hinlalaki sa pulso ko. Napangiwi ako nang pisilin niya iyon. Nagkapasa ito dahil sa higpit ng paggapos ni Vince kahapon.   He pressed his thumb down again on my lower lip, revealing the inner portion of it. It hurt again, ang parteng nakagat ko kahapon dahil sa pagkakabagsak sa sahig.   Sa pag-angat niya ng laylayan ng aking bestida ay nagawa ko na siyang mapigilan subalit parang papel niya lamang na tinabig ang kamay ko. Tiningnan din nito ang pasa sa aking tuhod na natamo ko rin kahapon.   Nang muli niyang i-angat ang tingin sa akin, bahagyang umangat ang isang gilid ng labi niya, “Do you want me to tell you why all of this happened?”   Hindi ako sumagot. My tongue can’t seem to move when looking at his eyes.   Dinuro niya ang aking noo, “Because you tolerated a monster.”   Bumuka ang bibig ko subalit agad ding nagsara. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya ngunit bakit ang sakit sa tenga? Bakit pinapainit nito ang aking mga mata?   Nagpakawala ito ng buntong hininga habang inaangat ang sarili patayo. Tiningala ko rin ito, hindi pinuputol ang matalim na titig sa kanya.   “I want to leave.”   Wika ko at ang tapang na buong sikap kong inipon ay napakadali niya lamang winasak sa sunod niyang sinabi.   “Don’t get me wrong.” He scoffed, “I didn’t save you. I am abducting you.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD