Shut up Gustong-gusto ko ang tanawin ng dagat mula sa bahay pero mas gusto kong tinatanaw ang lawa. Napakalawak ng karagatan, sa mga oras na tumititig ako roon, hindi lang basta ako ang gumagawa non. Marami kaming humahanga sa ganda nito, marami kaming nakikihati sa ginhawa at sayang binibigay niyon sa tuwing napapatitig kami. But the lake, I am sure that it is all for me. Sigurado akong wala na akong kahati. Siya na rin ang nagsabi, it was made only for me. He had it made only to show it to me. Other than us being together, that lake will be the living proof of our history and love story. Hindi ko mapigilan ang sariling mapangiti. Katunayan ay kanina pa walang tigil sa pagdulas itong ngiti sa labi ko. Kahit na tinatahak na namin ang ngayo’y madilim at walang katao-taong kalsad