9 years ago… Nang mamatay ang ina ni Hendrix, si Athena na ang laging nandyan para sa kaniya. Hindi rin maintindihan ni Hendrix kung bakit ito ginagawa ng batang pinaiyak niya noong una pa lamang nilang pagkikita. Ang labing-apat na taong gulang na batang lalaki ay tahimik lamang na nakaupo sa kaniyang kama, mugto ang mata, namamayat na dahil sa ilang araw na hindi pagkain, matamlay, malungkot, humihinga pa pero pakiramdam niya ay matagal na siyang binawian ng buhay. It’s been 2 weeks since the tragedy happened, since the greatest downfall of the future heir of the De Varga’s mafia. Dalawang linggo na ngunit parang kahapon lang nangyari. Yung sakit, presko pa rin sa kaniya, yung pagkakadurog ng puso ay damang-dama pa rin niya. Parang binubuksan ang kaniyang puso, hinahati sa dalaw